Metro

4-day Metro Manila-wide shake drill starts today; possible quake scenarios to be simulated

(Eagle News) — At 4 p.m. today, a Metro Manila wide shake drill will be conducted to signal the start of a four-day more comprehensive simulation quake drill that will instill the importance of the “duck, cover and hold” position to the public during earthquakes. Spearheaded by the Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), the four-day quake drill will see a simulation of the actions to be taken should there be collapsed buildings, for instance, burning […]

Lalaki na napagkamalang police asset, patay

MAYNILA, Philippines (Eagle News) – Nasawi ang isang lalaki matapos mapagkamalan umano itong police asset at pagbabarilin ito sa Maynila nitong Huwebes, ika-13 ng Hulyo. Ayon sa mga kapitbahay, nakatayo lamang si Comia Liwanag, Jr., 38, sa Gate 6, Area A ng Parola Compound, Tondo, bandang 12:30 ng madaling araw, nang biglang pagbabarilin ito ng hindi pa nakikilalang suspek. Isinugod pa si Liwanag sa ospital ngunit idineklara na itong dead on arrival. Ayon sa ospital, tinamaan […]

DOTr magdaragdag ng 40 ruta ng P2P bus bago matapos ang 2017

(Eagle News) — Magdaragdag ang Department of Transportation (DOTr) ng mas maraming ruta ng Point to Point (P2P) bus bago matapos ang taon. Ayon sa DOTR, sa pamamagitan ng Land Transportation and Franchising Board (LTFRB) ay target na mabuksan ang karagdagang apatnapung P2P routes. Ang kasalukuyang P2P routes ay mula: Trinoma/Centris sa Quezon City patungong Glorietta 5 sa Makati Robinsons Galleria sa Pasig City patungong Park Square sa Makati Alabang Town Center patungong Greenbelt Sm […]

2 menor-de-edad na nagbebenta umano ng marijuana, huli ng pulisya sa QC; mahigit P200,000 na halaga ng droga, nasabat

(Eagle News) — Nahuli ng pulisya ang dalawang menor-de-edad na nagbebenta ng kilu-kilong marijuana na nagkakahalaga ng mahigit P200,000 sa Novaliches, Quezon City, kahapon. Ang kinse (15) at disi-sais-anyos (16) na bata ay nahuli sa isang buy-bust operation  na ikinasa ng mga miyembro ng Quezon City Police Drug Enforcement Unit bandang alas onse ng gabi.   Aabot sa limang kilong marijuana ang nasabat ng mga otoridad na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit dalawangdaan libong piso (Php […]

Suspek sa pagpatay sa isang Amerikano sa Caloocan City, naaresto na

CALOOCAN CITY, Metro Manila (Eagle News) – Naaresto na ang suspek sa pagpatay sa isang Amerikano noong Lunes (July 10) sa loob ng inuupahan nitong bahay sa Sangandaan, Caloocan City. Iprinesenta ng  Caloocan City Police ang suspek sa pagpatay kay James Budru na si Romeo de Luna, Jr., alyas Bugoy, isang 23 taong gulang na tricycle driver. Naaresto si De Luna sa isinagawang followup operation ng mga awtoridad sa Brgy. 64, Caloocan City noong Martes […]

Isang American national patay sa pananaksak sa Caloocan City

CALOOCAN CITY, Metro Manila (Eagle News) – Nakahandusay at wala nang buhay ang isang American national makaraang pagsasaksakin sa loob ng inuupahan nitong bahay sa Caloocan City, nitong Martes, Hulyo 11. Ang biktima na si James Budru ay wala nang suot na pang-itaas na damit at puno ng tama ng kutsilyo nang abutan ng may-ari ng inuupahan nitong kwarto sa PNR compound, Sangandaan, ala una ng madaling araw. Ayon sa kwento ng landlady na si Marissa […]

Manila Traffic and Parking Bureau to undergo training on Anti-Distracted Driving Act

QUEZON City, Philippines (Eagle News) — More than 200 personnel of the Manila Traffic and Parking Bureau will undergo training regarding the Anti-Distracted Driving Act (ADDA) The local government of Manila wants its personnel to be properly trained in the proper implementation of the ADDA in order to avoid incidents. “We’re requiring them to first undergo seminar on ADDA before they start flagging down motorists for violation,” Manila Mayor Joseph Estrada said. “We don’t want […]

Bulgarian national na nasangkot sa ATM skimming, patay sa pamamaril

QUEZON CITY, Metro Manila (Eagle News) – Bumulagta sa kalsada ang isang Bulgarian national habang sakay ng kaniyang motorsiklo sa Quezon City. Pinagbabaril si Orlen Stoey, 38, ng riding in tandem bandang 10:00 ng gabi noong Huwebes, Hulyo 6. Nasangkot na ang Bulgarian national nitong nakaraang buwan sa ATM skimming sa Quezon City., at naaresto dahil sa pag-clone ng 55 ATM cards. Narekober din sa kaniya ang mahigit Php50,000 cash. Ayon sa isang saksi sa insidente, isang dilaw na […]

Ilang bahagi ng Quezon City, Marikina at Taguig City, mawawalan ng supply ng tubig

QUEZON CITY (Eagle News) — Mawawalan ng supply ng tubig ang ilang bahagi ng Quezon City, Marikina at Taguig City simula ngayong araw, Hulyo 5. Sa abiso ng Manila Water, lima hanggang walong oras ang maaaring itagal ng water service interruption sa mga nabanggit na lugar. Sa Quezon City, alas 10:00 mamayang gabi (July 5) hanggang alas 4:00 ng umaga bukas, (July 6) ang interruption. Mawawalan ng supply ng tubig ang bahagi ng Tandang Sora […]

1,000th store ng Jollibee, binuksan na sa publiko sa BGC

Pinasinayaan at binuksan na sa publiko ang pang-isang libong store ng Jollibee Corporation sa bansa na nasa Bonifacio Global City triangle drive sa Taguig City. Magugunitang nagsimula ang pinakamalaking fastfood chain sa bansa sa isang ice cream parlor sa Cubao, Quezon City noong late 1970’s. Ito ay lumaki nang lumaki hanggang dumami ang mga branches at naging isa na ngayon sa mga kilalang Filipino brands at sinasabing Asia’s number one QSR brand sa kasalukuyan. Isinasagawa […]

12 bahay sa Quezon City, nasunog; mahigit P200,000 na halaga ng ari-arian, natupok

QUEZON CITY, Metro Manila (Eagle News) – Aabot sa higit na P200,000 ang halaga ng ari-ariang natupok ng apoy sa Quezon City nitong Miyerkules ng umaga. Bandang 1:00 ng madaling araw nang magsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay ni Carol Monsalud sa Batasan Hills. Ayon sa kanya, matagal nang walang natutulog sa kwarto kung saan nagsimula ang apoy, at pawang mga gamit na lang umano ang nandoon. Ayon kay Quezon City Fire Senior […]

1 PCP commander, 6 na tanod, arestado dahil sa pangingikil sa Taguig City

(Eagle News) — Arestado sa entrapment operation ng Philippine National Police-Counter Intelligence Task Force (PNP-CITF) ang anim na barangay tanod at isang opisyal ng pulis sa West Bicutan, Taguig na umano’y nagpapanggap na mga pulis upang makaextort ng pera sa isang isang pahinante at kasama nito nitong Biyernes. Kinilala ang mga suspek na sina Senior Insp. Cesar Espejo, 34, precinct commander; ang mga miyembro ng Barangay Security Force na nakaassign sa Western Bicutan na sina Reggie Adrales, […]