Provincial News

Seguridad sa Palawan lalong pinaigting ng PNP

Palawan Province (Eagle News) – Lalong pinaigting ng Philippine National Police (PNP) ang seguridad sa lalawigan ng Palawan dahil sa banta ng terorismo. Ito ay kasunod na rin ng abiso ng Estados Unidos at Canada. Kaagad na nagsagawa ang kapulisan ng mga seminar sa bawat barangay sa Puerto Princesa upang imulat ang mga tao na maging alerto at maging mapagbantay sa anumang kahina-hinalang pagkilos. Ayon kay  Inspector Manyll Lamban-Marzo ng Puerto Princesa City Police Office, isinasagawa nila […]

24 barangay sa Ormoc, idineklarang drug-free

ORMOC City, Leyte (Eagle News) — Mahigit 20 na barangay ang idineklarang drug-free sa Ormoc. Idineklarang drug-cleared ang 24 na barangay matapos madeklarang malinis din ang siyam na barangay sa bayan naman ng Tubod sa Surigao Del Norte. Sumunod sa yapak ng siyam na barangay ang Brgy. Ipil, Alta Vista, District 26, District 19, District 17, District 1, Can-untog, Cogon, District 16, Brgy. Airport, Salvacion, Tambulilid, R.M Tan, Naungan, San Isidro, Curva, Punta, Don Felipe Larrazabal, […]

One Million Lapis Campaign, isinagawa ng DepEd-Batangas

BATANGAS CITY, Batangas (Eagle News) – Nagtipon-tipon ang mga guro sa buong dibisyon ng Batangas nitong Biyernes (May 12) para sa proyektong “One million Lapis Campaign” ng Department of Education. Naglalayon ito na makapagbigay ng tulong sa mga batang mag-aaral sa pamamagitan ng pangangalap ng pondo para sa kanilang edukasyon at school supplies. Ito ay isinagawa sa pamamagitan ng isang espesyal na proyektong tinatawag na “Hakbang, takbo at indak para sa edukasyon 2017” sa Bolbok Sports […]

Iglesia ni Cristo, aktibong tumutulong sa mga drug surrenderee sa Biñan

BIÑAN CITY, Laguna (Eagle News) – Sinimulan nang ipatupad ang proyekto na naglalayong makatulong para sa mga drug surrenderee sa mga barangay sa Biñan City, Laguna. Tumulong ang Iglesia ni Cristo sa  recovery program para sa mga drug dependent sa pamamagitan ng pagtuturo ng mga aral mula sa Biblia na nagbibigay inspirasyon, at paghimok sa drug surrenderees na magbagong buhay. Ang mga lecture at Bible study sa Brgy. Langkiwa ay pinangunahan ni Bro. Richard Julius Belandres, Ministro ng INC […]

No.1 target ng PDEA sa Dipolog, arestado

DIPOLOG City, Zamboanga Del Norte (Eagle News) — Arestado ang top 1 target ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)  sa Dipolog sa Zamboanga del Norte. Kinilala ang suspek na naaresto sa buy-bust operation ng Dipolog Police Station at ng PDEA si Hannah Jane Oliveros Atendido, 20 anyos, dalaga at residente ng Piñan, Zamboanga del Norte. Nakumpiska mula sa suspek–na high-value target level 1—ang isang malaking heat-sealed plastic sachet na may lamang dalawang maliliit na pakete […]

300 pamilya inilikas sa pagtaas ng tubig sa ilang mga ilog sa Davao

DAVAO CITY, Philippines (Eagle News) – Nasa 300 pamilya ang sapilitang inilikas sa kanilang mga lugar makaraang tumaas ang lebel ng tubig sa ilang mga ilog sa Davao City, noong Huwebes ng gabi, May 11. Partikular na naapektuhan ng forced evacuation ang mga residenteng nakatira malapit sa mga ilog sa Brgy. Talomo Proper at Brgy. Matina crossing. Sinimulan ang evacuation dakong 8:00 ng gabi nang biglang tumaas ang tubig sa mga ilog na bumabagtas sa […]

Siyam na barangay sa Tubod, Surigao del Norte, idineklarang drug-free

TUBOD, Surigao del Norte (Eagle News)  — Siyam na barangay sa isang bayan sa Surigao Del Norte ang idineklarang drug-free ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Caraga. Personal na dinaluhan nina Ricardo C. Quinto, PDEA Deputy Director General for Operations ng Caraga, Mayor Richelle B. Romarate, at mga nasa Surigao Del Norte Police Provincial Office ang isinagawang deklarasyon na drug-cleared na ang Barangay Cawilan, Capayahan, San Pablo, Marga, San Isidro, Del Rosario, Motorpool, Timamana at Poblacion […]

Dagupan City, nagdiriwang ng Platinum Year

DAGUPAN CITY, Pangasinan (Eagle News) – Inilunsad noong Huwebes, Mayo 11, ang iba’t ibang aktibidad para sa pagdiriwang sa ika-70 taon na Agew na Dagupan o Platinum Year of Dagupan City. Ang paglulunsad ng Agew na Dagupan ay kinabibilangan ng pag-alala sa pinagmulan ng Dagupan o ang Dagupan noon at ngayon o dagupan karuman, natan tan nabwas. Ayon kay Dagupan City Mayor Belen Fernandez, sa kasaysayan ng Dagupan muling aalalahanin ang mga pinagdaanang pagsubok ng siyudad, mula sa isang […]

Iba’t-ibang libreng serbisyo, ipinagkaloob ng Hinatuan LGU

HINATUAN, Surigao del Sur (Eagle News) – Pinagkalooban ng libreng serbisyo ng lokal na pamahalaan ng Hinatuan ang mga residenteng nakatira sa ilang barangay doon. Sa ilalim ng programang “Bulig: serbisyong garantisado” ay nagkaloob ng libreng serbisyo ang lokal na pamahalaan sa Brgy. Baculin at Brgy. Harip. Ilan sa mga libreng ipinagkaloob sa mga residente ang: Dental Services Health Services Civil Registration Services Solemnization Services Tax Assessment and Collection Services Agriculture and Social Welfare Services Gupit […]

5 motorsiklo ng mga empleyado ng DENR, 1 bahay sa Lianga, sinunog

LIANGA, Surigao del Sur (Eagle News) – Isang bahay at limang motor  na pagmamay-ari ng mga empleyado sa Department of Environment and Natural Resources ang nilamon ng apoy sa Surigao del Sur kamakailan. Ayon sa Bureau of Fire Protection sa Lianga na mabilis rumesponde sa lugar, nagsimula ang sunog sa garahe ng bahay sa Purok 2, Brgy. Banahao, na pagmamay-ari ng isang Macario Angelia. Sa garahe umano naka-park ang limang motor na pagmamay-ari ng kaniyang mga anak. Sinubukan […]

Mahigit 500 mag-aaral, nakinabang sa ipinamahaging gamit sa eskuwela sa Zamboanga Sibugay

IMELDA, Zamboanga Sibugay (Eagle News) — Mahigit limang daan na estudyante na papasok palang sa elementarya  ang nakinabang sa ipinamahaging gamit sa eskwela sa Zamboanga Sibugay. Ayon kay Mayor Roselyn Silva, ang pamamahagi ng mga bag, lapis, notebook sa mga estudyante ay upang wala nang maidahilan ang mga magulang na hindi nila mapaaral ang kanilang anak dahil sa kahirapan. Tangi sa sa pamamahagi ng gamit sa eskuwela, nagsagawa rin ng medical outreach  sa lugar, kung saan ang […]

BFAR-Zamboanga, nagbabala patungkol sa isdang barracuda

  ZAMBOANGA CITY (Eagle News) — Patuloy na nagbabala si Zamboanga City Agriculturist Dr.  Diosdado Palacat tungkol sa paghuli, pagbebenta at pagkain ng isdang barracuda dahil sa taglay nitong kemikal na nakalalason sa tao. Dahil dito, naglilibot ngayon ang mga tauhan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources upang inspeksyunin ang mga ibinebentang isda sa palengke. Ginawa ito matapos ang isang isolated incident umano, kung saan mayroong  namatay na  isang pusa pagkatapos makakain ng isda na galing sa […]