Isang coastal barangay sa Sulu, pinagtulungang linisin upang maging tourist spot

ZAMBOANGA CITY, Philippines (Eagle News) – Nagsanib pwersa ang mga tauhan ng Sulu Task Force at Pamahalaang bayan ng Panlimatahil para linisin ang coastal barangay dito.

Ito ay matapos madiskubre ng mga awtoridad na malaki ang potensyal nito para sa mga turista, dayuhan man o Pilipino.

Ayon kay Brig. Gen. Cirilito Sobejana, Sulu Task Force Commander, maraming mga lugar sa probinsiya ang kayang paunlarin ng mga Local Government Unit.

Kailangan lamang nila ang puspusang suporta o manpower mula sa tropa ng militar.

Naniniwala si Sobejana na kung tuluyan nang malipol ang Abu Sayyaf sa Sulu ay mas gaganda ang turismo sa kanilang lugar.

 Jana Cruspero – EBC Correspondent, Zamboanga City