Dalawang Lucena centenarians, nakatanggap ng cash assistance

LUCENA City (Eagle News) —  Tuwa at galak ang nadama ng dalawang lola sa lungsod ng Lucena dahil nakatanggap sila ng tig-P100,000 mula sa Lucena City Government.

Ang dalawang lola–Constancia Abcede at Lourdes Lacerna—ay kabilang sa unang awardees na may 100 taong gulang na nabubuhay pa sa panahon ngayon.

Pinangunahan ni Totoy Traqunia, Executive Assistant ng nasabing lungsod, ang pagkakaloob ng nasabing incentives sa dalawang centenarian.

Malaki aniyang tulong ito sa mga centenarian sapagkat napaka-dalang na ang nabubuhay nang ganito kahabang taon sa panahon ngayon.

Nakakatuwa ang mga ganitong mga tao dagdag pa ni Traqunia. (Eagle News Correspondents Ellie Remo, Vhie Ai Eguia and Ram Valid)