ANDA, Pangasinan (Eagle News) – Ang mga nararanasang pag-ulan sa Pangasinan ay maaring makatulong upang mawala ang problema sa red tide toxin sa baybayin ng Anda at Bolinao. Ayon ito kay Dr. Wesley Rosario ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR). Sa pamamagitan ng pag-uulan ay mababawasan umano ang salinity o labis na alat ng tubig, at mangangamatay ang red tide organism. Nagbabala naman si Rosario sa labis na pag-ulan, at maaari diumano nitong maapektuhan ang […]
Provincial News
400 na sundalo, dinala sa Davao
DAVAO City (Eagle News) — Isang batalyon ng mga sundalo ang hinugot mula sa Sulu at dinala sa Davao City upang mas paigtingin pa ang seguridad ng lungsod laban sa mga hinihinalang terorista at komunistang rebelde. Ayon sa Davao City Information Office, nasa 400 miyembro ng 16th Infantry Battalion ng Armed Forces of the Philippines na pinangungunahan ni Lieutenant Colonel Daren Comia ang darating sa araw na ito ng Biyernes, Mayo 19, upang mas paigtingin […]
Reformation Center para sa mga drug surrenderee, muling binuksan sa Camiling, Tarlac
CAMILING, Tarlac (Eagle News) — Matapos na muling ibalik ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pananagutan sa pagsugpo sa iligal na droga sa mga kapulisan, muling nagbukas ng reformation center ang lokal na pamahalaan at Philippine National Police sa lugar. Sa ginawang opening ceremony sa Bahay Pagbabago Reformation Center, naging panauhing tagapagsalita sina Police Senior Supt. Ritchie Medardo Posadas, Tarlac Police Provincial Director; Camiling Mayor Erlon Agustin; Department of the Interior and Local Government Officer Cherry Eve Mesina; Vice Mayor Jesus Corpuz […]
4 patay, daan-daang residente apektado ng pagbaha sa Sarangani province
SARANGANI PROVINCE (Eagle News) – Umabot na sa apat ang naitalang patay habang daan-daang pamilya naman ang apektado sa pagbaha sa Sarangani Province simula nang bumuhos ang malakas na ulan nitong Sabado, ika-13 ng Mayo. Ayon kay Rene Punzalan ng Sarangani Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, kabilang sa casualties ay ang nasawing mag-ina na sina Reina Suana at anak nitong si James sa Barangay Ampon, Malungon, Sarangani matapos malunod sa Lumabat river. Sa mga nakaraang […]
Ilang lugar sa South Cotabato, lubog sa baha
TUPI, South Cotabato (Eagle News) – Pahirapan ngayon ang transportasyon ng mga residente sa Sitio Acfaon, Brgy. Bunao, Tupi, South Cotabato dahil sa matinding baha dulot ng malakas na buhos ng ulan. Ayon kay Barangay Kagawad Arsad Landasan, mahigit sa 1,000 residente ang apektado ng kalamidad sa kanilang lugar. Apektado din ang paglabas ng mga produkto ng mga negosyante dahil sa nasirang box culvert na nagsisilbing daanan sa mga motorista. Sa nakalipas na linggo ay nabuwal din ang […]
Surprise visit sa mga drug surrenderee sa Biñan, Laguna
BIÑAN, Laguna (Eagle News) — Muling pasorpresang binisita ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan at pulisya ng Biñan, Laguna ang mga drug surrenderee na hindi na umano aktibo sa mga programang inilaan sa kanila. Ang aktibidad ay pinangunahan ni P/Supt. Elpidio “Jong” Ramirez, hepe ng Biñan City Police Station, at ni Kap. Allan Farcon, pinuno ng Bgy. San Antonio ng nasabing lungsod. Ayon kay Ramirez, sa pagbisita sa mga surrenderee sa naturang siyudad ay […]
Day 3 ng Brigada Eskwela, marami pa rin ang lumahok
Pumalo na sa ikatlong araw ang Brigada Eskwela na nagsimula noong Lunes sa iba’t-ibang paaralan sa buong bansa. Sa pangunguna ng Department of Education, marami pa rin ang masayang nakilahok sa nasabing aktibidad na magtatapos hanggang sa Mayo 20. Kabilang sa mga nakilahok ay ang mga guro, mga estudyante, mga magulang at iba pang mga organisasyon o grupo pampubliko man o pribado. Sa Commonwealth Elementary School, sa lungsod ng Quezon, kabilang sa mga tumulong sa […]
Tatlo sugatan matapos mabangga at mahulog ang pampasaherong bus sa bangin sa Quezon
CALAUAG, Quezon (Eagle News) — Tatlong tao ang nasugatan matapos mahulog ang isang pampasaherong bus sa bangin sa Calauag, Quezon, kamakailan. Ayon sa ilang mga residenteng nakasaksi sa pangyayari, isang private Toyota Avanza sport utility vehicle, with temporary plate no. VY 7116, na nasa southbound lane patungong Bicol ang nag-pupumilit na maunahan ang sinusundan nitong mga sasakyan. May isang pampasaherong bus (Bicol Isarog) na galing Bicol patungong Maynila ang bumulaga sa kaniya sa Brgy. Doña Aurora. Hindi […]
10-wheeler truck na naglalaman ng bigas, sinunog ng mga NPA
Davao del Sur (Eagle News) — Sinunog ng pinaghihinalaang New Peoples’ Army (NPA) noong Martes ang isang 10-wheeler wing van truck sa Barangay Cabligan, Matanao Davao del Sur. Ayon sa imbestigasyon, lima hanggang anim na tao na nakasakay sa tatlong motorsiklo ang biglang pumara malapit sa 10-wheeler truck bandang alas onse y medya sa Brgy. Cabligan. Tinutukan ng baril ng mga diumanong miyembro ng Lawless Action Group (LAG) ang driver ng nasabing sasakyan, na may […]
Ika-pitong bagong Barangay Chapel ng Iglesia Ni Cristo sa Infanta, Quezon, pinasinayaan
INFANTA, Quezon (Eagle News) – Isang maganda at maayos na barangay chapel ng Iglesia Ni Cristo ang pinasinayaan sa Barangay Dinahican, Infanta, Quezon nitong Huwebes, Mayo 18. Dinaluhan ito ng mahigit sa 500 miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa Northern Quezon. Pinangunahan ang aktibidad na ginanap bandang 6:00 ng umaga ni Kapatid na Isaias A. Hipolito, District Supervising Minister ng Quezon North, katuwang ang ilang mga ministro ng ebanghelyo sa nasabing lugar. Ito na ang ikapitong ipinatayo […]
2 miyembro ng NPA, sumuko sa militar sa Zamboanga del Sur
Dalawang myembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa 53rd Infantry Battalion na nakabase sa Camp Sabido, Guipos, Zamboanga del Sur, kamakailan. Kinilala ang mga sumuko na sina Rey Anthony Dungog, 19, at Alvin Ladra Calibo, 24, pawang residente ng Brgy. Balagon, Siay, Zamboanga Sibugay. Ayon kay 2Lt. Maverick Rey Mira, Intelligence Officer ng 53 IB, ang mga sumukong rebelde ay miyembro ng Regional Guerilla Unit. Ito ang NPA unit na nag-o-operate sa Western Mindanao Area. Base […]
Produksyon ng agricultural products sa Tarlac, umabot sa halagang P5 bilyon sa unang bahagi ng taon
TARLAC CITY, Tarlac (Eagle News) – Naging maganda ang produksyon ng agricultural products sa lalawigan ng Tarlac sa unang bahagi ng taon. Ipinagmalaki ni Tarlac Provincial Agriculturist Edwina Tabamo na mula nitong Enero hanggang Mayo ay umabot sa P5 bilyon ang halaga ng naaning palay, kalamansi, mga gulay at livestock. Nabatid din na mula Enero hanggang Mayo ng taong ito ay nasa 250 metriko toneladang palay ang naani sa Tarlac. Tiniyak naman ni Tabamo na handa […]