Provincial News

30 bahay natupok ng apoy sa Sto. Nino, Baybay City, Leyte

BAYBAY CITY, Leyte (Eagle News) – Naiwang sinaing ang itinuturong dahilan ng pagkakatupok ng mahigit na tatlumpung kabahayan sa Sto. Nino, Baybay City, Leyte. Nangyari ang nasabing insidente noong Biyernes, Mayo 19 bandang 10:00 ng umaga. Nagsimula ang sunog sa bahay ni G. Eduardo Quillasa. Ayon sa mga kapitbahay, nagsaing umano ang pamilya Quillasa gamit ang panggatong na kahoy at iniwan ito na walang nagbabantay. Ito ang itinuturong dahilan ng pagkatupok ng mahigit sa 30 na […]

Endangered barn owl natagpuan ng mga bata sa Asuncion, Davao Del Norte

ASUNCION, Davao del Norte (Eagle News) – Isang endangered barn owl ang ibinigay ng tatlong bata sa Asuncion Municipal Police Station, Asuncion, Davao Del Norte noong Huwebes, Mayo 18. Ayon kay Chief of Police Edmund Montillano ng Asuncion MPS, natagpuan umano ng tatlong bata ang nasabing owl na hinang-hina na at hindi na makakain. Hindi na rin ito makalipad dahil sa natamong sugat sa kanang pakpak nito. Kaya ipinasya ng mga bata na i-turn over ito sa […]

Ex-Davao City Police Director, itinalagang unang hepe ng National Anti-Illegal Drug Task Force

DAVAO City (Eagle News) — Inilagay ni Pangulong Rodrigo Duterte si Police Senior Superintendent Vicente Danao Jr., dating Director ng Davao City Police Office (DCPO), bilang Commander ng National Anti-Illegal Drug Task Force sa ilalim ng bagong nalikhang Inter-Agency Committee on Illegal Drugs (ICAD). Naging opisyal ang pagkaka-appoint sa kanya pagkatapos na mailabas ang kanyang appointment papers nitong nakaraang Miyerkules, Mayo 17, 2017. Pangunahing naka-atas sa Task Force ang “sustained anti-illegal drug operations” o ang […]

Kapitan ng barangay, patay sa pamamaril sa Iligan

ILIGAN City (Eagle News) – Patay ang isang kapitan ng barangay matapos barilin sa ulo ng hindi pa nakikilalang mga salarin kahapon sa Iligan City. Kinilala ang biktima na si Saray Brgy. Captain Robert “Dodong” Fuentes. Ayon sa mga awtoridad, pinagbabaril si Fuentes ng mga suspek sa harapan ng isang hardware store habang nakasakay sa isang multicab na barangay patrol vehicle. Kaagad na isinugod sa ospital ang biktima ngunit idineklara ito ng mga manggagamot na […]

2 nahuli sa shabu buy-bust operation sa Tarlac

GERONA, Tarlac (Eagle News) — Dalawang magkasunod na buy-bust operation ang isinagawa ng mga awtoridad sa Tarlac, na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang lalaki na umano’y tulak ng shabu. Kinilala ang mga nahuli kamakailan na sina Joselito Guerrero Siguin, 57, at Tito Batin Ylarde, 41. Kapwa naaresto sina Siguin at Ylarde matapos bentahan nila ng iligal na droga ang mga police poseur-buyer sa Barangay Abagon, Gerona. Sina Police Supt. Franklin Estoro, hepe ng PNP Gerona, at Police […]

Nararanasang pag-ulan sa Pangasinan, maaaring makatulong upang mawala ang red tide toxin – BFAR

ANDA, Pangasinan (Eagle News) – Ang mga nararanasang pag-ulan sa Pangasinan ay maaring makatulong upang mawala ang problema sa red tide toxin sa baybayin ng Anda at Bolinao. Ayon ito kay Dr. Wesley Rosario ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR). Sa pamamagitan ng pag-uulan ay mababawasan umano ang salinity o labis na alat ng tubig, at mangangamatay ang red tide organism. Nagbabala naman si Rosario sa labis na pag-ulan, at maaari diumano nitong maapektuhan ang […]

400 na sundalo, dinala sa Davao

DAVAO City (Eagle News) — Isang batalyon ng mga sundalo ang hinugot mula sa Sulu at dinala sa Davao City upang mas paigtingin pa ang seguridad ng lungsod laban sa mga hinihinalang terorista at komunistang rebelde. Ayon sa Davao City Information Office, nasa 400 miyembro ng 16th Infantry Battalion ng Armed Forces of the Philippines na pinangungunahan ni Lieutenant Colonel Daren Comia ang darating sa araw na ito ng Biyernes, Mayo 19, upang mas paigtingin […]

Reformation Center para sa mga drug surrenderee, muling binuksan sa Camiling, Tarlac

CAMILING, Tarlac (Eagle News) — Matapos na muling ibalik ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pananagutan sa pagsugpo sa iligal na droga sa mga kapulisan, muling nagbukas ng reformation center ang lokal na pamahalaan at Philippine National Police sa lugar. Sa ginawang opening ceremony sa Bahay Pagbabago Reformation Center, naging panauhing tagapagsalita sina Police Senior Supt. Ritchie Medardo Posadas, Tarlac Police Provincial Director; Camiling Mayor Erlon Agustin; Department of the Interior and Local Government Officer Cherry Eve Mesina; Vice Mayor Jesus Corpuz […]

4 patay, daan-daang residente apektado ng pagbaha sa Sarangani province

SARANGANI PROVINCE (Eagle News) – Umabot na sa apat ang naitalang patay habang daan-daang pamilya naman ang apektado sa pagbaha sa Sarangani Province simula nang bumuhos ang malakas na ulan nitong Sabado, ika-13 ng Mayo. Ayon kay Rene Punzalan ng Sarangani Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, kabilang sa casualties ay ang nasawing mag-ina na sina Reina Suana at anak nitong si James sa Barangay Ampon, Malungon, Sarangani matapos malunod sa Lumabat river. Sa mga nakaraang […]

Ilang lugar sa South Cotabato, lubog sa baha

TUPI, South Cotabato (Eagle News) – Pahirapan ngayon ang transportasyon ng mga residente sa Sitio Acfaon, Brgy. Bunao, Tupi, South Cotabato dahil sa matinding baha dulot ng malakas na buhos ng ulan. Ayon kay Barangay Kagawad Arsad Landasan, mahigit sa 1,000 residente ang apektado ng kalamidad sa kanilang lugar. Apektado din ang paglabas ng mga produkto ng mga negosyante dahil sa nasirang box culvert na nagsisilbing daanan sa mga motorista. Sa nakalipas na linggo ay nabuwal din ang […]

Surprise visit sa mga drug surrenderee sa Biñan, Laguna

BIÑAN, Laguna (Eagle News) — Muling pasorpresang binisita ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan at pulisya ng Biñan, Laguna ang mga drug surrenderee na hindi na umano aktibo sa mga programang inilaan sa kanila. Ang aktibidad ay pinangunahan ni P/Supt. Elpidio “Jong” Ramirez, hepe ng Biñan City Police Station, at ni Kap. Allan Farcon, pinuno ng Bgy. San Antonio ng nasabing lungsod. Ayon kay Ramirez, sa pagbisita sa mga surrenderee sa naturang siyudad ay […]

Day 3 ng Brigada Eskwela, marami pa rin ang lumahok

Pumalo na sa ikatlong araw ang Brigada Eskwela na nagsimula noong Lunes sa iba’t-ibang paaralan sa buong bansa. Sa pangunguna ng Department of Education, marami pa rin ang masayang nakilahok sa nasabing aktibidad na magtatapos hanggang sa Mayo 20. Kabilang sa mga nakilahok ay ang mga guro, mga estudyante, mga magulang at iba pang mga organisasyon o grupo pampubliko man o pribado. Sa Commonwealth Elementary School, sa lungsod ng Quezon, kabilang sa mga tumulong sa […]