Provincial News

Tatlong miyembro ng NPA, sumuko sa 8th Infantry Battalion

IMPASUG-ONG, Bukidnon (Eagle News) – Tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA) ang kusang loob na sumuko sa himpilan ng 8th Infantry Battalion sa Impasug-ong, Bukidnon noong Lunes, Mayo 22. Isinuko rin nila ang kanilang iba’t-ibang uri ng mga armas. Nahikayat anila sila ng mga dati nilang kasamahang rebelde na sumuko na at nagbalik-loob sa gobyerno. Ipinaunawa rin sa kanila ang kahalagahan ng pagpili sa tamang landas patungo sa kapayapaan. Gov Segovia – EBC Correspondent, Impasug-ong, […]

Tumakas na inmate ng Laguna Provincial Jail, balik kulungan uli

BIÑAN CITY, Laguna (Eagle News) – Pagkaraan ng halos isang linggong pagtatago ay muling naibalik sa kulungan ang isang inmate ng Laguna Provincial Jail. Kinilala ang inmate na si Eugene L. Edlagan, na may kasong murder. Nahuli ito sa isinagawang operasyon sa J. P. Rizal, Paete, Laguna, noong Linggo, ika-21 ng Mayo, o mga anim na araw matapos ito tumakas mula sa kaniyang selda. Sa kasalukuyan ay nakakulong na muli si Edlagan.   Willson Palima – EBC […]

Linis-Paaralan isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa Infanta, Quezon

INFANTA, Quezon (Eagle News) – Muling nasaksihan ang pagkakaisa ng mga miyembro sa Iglesia Ni Cristo sa isinagawang “Linis – Paaralan” sa Infanta National High School, Infanta, Quezon nitong Martes, Mayo 23. Pinangunahan ito ni Bro. Isaias A. Hipolito, District Minister ng Quezon North. Maaga pa lamang ay dumako na sila sa kapilya ng INC sa Infanta para sa assembly and registration. Isinagawa din muna nila ang sama-samang panalangin bago pa magtungo sa dakong pagdarausan ng aktibidad. Ayon kay Bro. Christian […]

Sultan Kudarat binulabog ng isang pagsabog

ISULAN, Sultan Kudarat (Eagle News) – Binulabog ng pagsabog ang isang palengke sa Sultan Kudarat noong Lunes ng madaling araw, Mayo 22. Ayon kay Sultan Kudarat Police Provincial Director Senior Supt. Raul Supiter, namataan ng security guard ang tatlong lalaki na nag-iwan ng isang bagay sa Public Market sa Barangay Kalawag 3, Isulan. Sinita ng guwardya ang naturang mga lalaki ngunit mabilis namang nagtakbuhan ang mga ito saka naganap ang pagsabog. Wala namang napa-ulat na nasaktan […]

Biñan-LGU nag-alok ng PHP 3.5 M para maibalik ang makasaysayang “Bahay na Bato ni Rizal”

BIÑAN CITY, Laguna (Eagle News) – Naghain ang Pamahalaang Lungsod ng Biñan ng Php 3.5 milyon para sagipin ang Alberto Mansion ni Teodora Alonzo, ang ina ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Inilakip ni Biñan City Mayor Atty. Arman Dimaguila ang tseke na nagkakahalagang PhP 535,059.00, o 15% ng pag-aari na P3,567,060 base sa makatarungan na market value. Ang 15 porsiyentong deposito ay isa sa pangangailangan sa korte bago ihain ng Pamahalaang Lungsod ang writ of possession para […]

Mahigit 700 Barangay sa Iloilo Province, drug free

IloIlo (Eagle News) — Aabot na sa 719 na barangay sa lalawigan ng Iloilo ang naideklarang drug free. Ayon kay Iloilo Police Provincial Office Director Senior Superintendent Harold Tuzon, ito ay walumpung porsyento ng 895 barangays na kanilang na-identify na apektado ng iligal na droga. Dahil rito, aabot nalang aniya sa 176 barangays ang natitirang laganap parin ang operasyon ng illegal drugs. Aminado naman si Tuzon na ang hamon sa kanila ngayon ay kung paanong […]

Suplay ng iligal na droga sa Davao City, bumaba na

DAVAO CITY (Eagle News) — Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Director Adzar Albani bumaba na ang ang supply ng iligal na droga sa Davao City dahil sa epektibong paraan ng pagkakampanya upang maiwasan ito. Sa ngayon ay nakasentro ang mga ginagawa nilang buy bust operations sa mga karatig probinisya. “Dahil sa bumaba ang supply ng iligal na droga sa lungsod ay tumaas naman ang presyo ng bawat gramo nito,” pahayag ni Albani. Batay […]

DENR Sec. Roy Cimatu, personal na isinilbi ang show cause order, suspension for tree cutting sa Ipilan Nickel Corporation

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (Eagle News) – Personal na isinilbi noong Sabado, Mayo 20 ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu ang show cause order at Notice of Suspension for tree cutting permit at earth bulling laban sa suspendidong minahan na Ipilan Nickel Corporation. Kasama ni Cimatu si DENR undersecretary Marlon Mendoza, DENR Re-Director Natividad Bernardino at iba pang Law Enforcement Agencies. Ito ay upang tuluyan ng matuldukan ang ginagawa ng kontrobersyal na large […]

DENR Sec. Roy Cimatu personal na iniabot ang show cause order ng Ipilan Mining Corp.

PALAWAN (Eagle News) — Personal na ibinigay ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu sa Nickel Mining Corporation ang kanilang show cause order at Notice of suspension for tree cutting permit at earth bulling nitong Linggo (Mayo 21). Ito ay upang tuluyan ng matuldukan ang ginagawa ng kontrobersyal na large scale mining company na pamumutol ng nasa mahigit 15, 000 puno sa bayan ng Brooke’s Point. Ang show cause order na pirmado ni OIC […]

Jomalig Island sa Quezon, dinadagsa na ng mga turista

JOMALIG ISLAND, Quezon (Eagle News) – Daan-daang mga turista ang patuloy na nagpupunta sa Jomalig, Quezon (Jomalig Island) dahil sa kaniyang malinis at magagandang dalampasigan. Taglay nito ang malakristal sa linaw na tubig at ginintuang buhangin. Kasama pa ang mga mababait at mapagtitiwalaang mga residente sa nasabing lugar. Ito ang hinahanap ng mga turistang nabibingi na sa ingay ng siyudad at naghahanap ng tahimik at magandang puntahan. Kapag pupuntahan ang lugar na ito ay iduduyan […]

Drug surrenderees sa Camiling, Tarlac nakipagkaisa sa Brigada Eskwela

CAMILING, Tarlac (Eagle News) – Natawag ang pansin ang ilang mga guro at principal ng mga paaralan sa Camiling, Tarlac sa ginawang pagsanib pwersa ng mga drug surrenderee at mga tauhan ng Camiling Police V Station sa isinagawang Brigada Eskwela 2017. Ang mga nasabing drug surenderee na nasa Bahay Pagbabago Reformation Center ay hinimok ni Police Chief Insp. Rustico Raposas, Hepe ng Camiling Philippine National Police kasama ang kaniyang mga tauhan na lumahok sa naturang programa. Tumulong sila sa pag-aayos ng […]

“Save a Life, Learn CPR” seminar, isinagawa sa Palawan

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (Eagle News) – Tuwing panahon ng summer ay inaasahan na marami  ang mga bakasyunistang dumadayo sa mga naggagandahang beaches sa Palawan dahil sa malinaw at mala-kristal na tubig sa karagatan. Kasabay ng pagdami ng mga bakasyunista ay ang pagtaas din ng porsyento ng mga nalulunod sa karagatan sanhi sa hindi marunong lumanggoy o iba pang bagay. Sa nakaraang buwan ay marami ang naitalang kaso ng pagkalunod at may namatay din bunga ng nasabing […]