Nagpapagawa ng pekeng ID sa mga printing press umabot na sa mahigit 1,000 ayon sa awtoridad

DAVAO CITY (Eagle News) – Hinahabol na ngayon ng mga personahe ng Davao City Police Office (DCPO) ang mga nagpagawa ng pekeng identification o ID card lalo na ang mga printing press na gumawa nito.

Ayon kay Senior Supt. Alexander Tagum, hepe ng DCPO, nakatanggap sila ng intelligence report na umabot na sa mahigit 1,000 na mga personahe ang nagpa-imprinta ng pekeng ID’s.

Dagdag ni Tagum, nakilala na nila ang mga nagpagawa at gumagawa nito.

Patuloy pa aniya ang imbestigasyon upang masampahan ng kaso ang mga printing press na nag-iimprenta ng mga pekeng ID.

Matatandaan na marami na ang napailalim sa background investigation dahil wala silang maipakitang anomang identipikasyon.

Samantala, inilagay na ng mga awtoridad sa mga pampublikong lugar ang lista ng local terrorists sa kanilang mga area of responsibility, partikular sa mga public market at public transport.

Saylan Wens at Haydee Jipolan – EBC Correspondents, Davao City