Provincial News

Dalawang mangingisdang nawawala sa Zamboanga Sibugay, natagpuang patay

TUNGAWAN, Zamboanga Sibugay (Eagle News) – Tatlong araw matapos na maiulat ang pagkawala ng dalawang mangingisda ay natagpuan na ang mga ito na wala nang buhay sa baybaying bahagi ng Sitio Tando, Brgy. Looc Labuan, Tungawan, Zamboanga Sibugay. Ayon kay Chief Inspector Chamer Gloria Lacay ng Tungawan PNP, may pito pa na nai-ulat na nawawala. Ang natagpuang patay ay sina Jose Dasillo Bucoy, 37 years old, may-asawa; at Roel Abad Alimpong, 13 years old, kapwa residente […]

84 na pulis sa Tanauan City, Batangas, inilipat sa Binangonan, Rizal

TANAUAN CITY, Batangas (Eagle News) – Nasa 90%  ng Tanauan City Police Station sa Batangas ang na-re-assign sa Binangonan Municipal Station sa Rizal simula nitong Lunes, May 15. Ayon kay Batangas Police Provincial Office Acting Director PSsupt. Randy Peralta, wala pang malinaw na dahilan ng pagkakalipat ng 84 na pulis, na kinabibilangan ng isang opisyal at 83 police officer. Subalit ito umano ay bahagi pa rin ng pagpapaigting ng kampanya ng pamahalaan hinggil sa kriminalidad at illegal […]

Dalawang NPA patay, 2 sugatan sa engkwentro sa Zamboanga Sibugay

DIPLAHAN, Zamboanga Sibugay (Eagle News) — Patay ang dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos makipagbarilan sa militar sa  Zamboanga Sibugay. Ayon kay Col. Jacinto Bareng, Commanding Officer ng 102nd Brigade ng Armed Forces of the Philippines, sugatan din ang dalawang Civilian Volunteer Officer sa engkwentro sa pagitan nila at ng grupo sa  Sitio Malagak, Barangay Guinoman sa Bayan ng Diplahan. Ayon kay Bareng, nagsasagawa lamang ng security operations ang mga miyembro ng 44th Infantry […]

“Krisis” sa kuryente sa Palawan, idinulog na kay Pangulong Rodrigo Duterte

PUERTO PRINCESA, Palawan (Eagle News) – Sumulat na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang mga non-government organization (NGO) at member-consumer ng Palawan Electric Cooperative (PALECO). Ito ay upang iparating ang nararanasang krisis diumano sa kuryente sa lalawigan, na diumano ay may epekto na sa turismo. Kaugnay nito ay hiniling ng mga ito kay Pangulong Duterte na makialam at utusan ang National Power Corporation (NAPOCOR) na dagdagan ang supply ng kuryente. Hiniling din nila na utusan niya ang […]

Blackout, naranasan sa ilang bahagi ng Mindanao

Eagle News – Nakaranas ng malawakang power blackout ang malaking bahagi ng Mindanao  noong Linggo  ng gabi. Kabilang sa mga apektadong lalawigan ang sumusunod; Zamboanga Peninsula Buong Misamis Occidental Ilang bahagi ng Lanao Del Norte Davao City Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), kasalukuyan pa nilang inaalam ang dahilan ng malawakang pagkawala ng kuryente. https://youtu.be/OkEPocgN13c  

Mga turista, patuloy ang pagdagsa sa Palawan sa kabila ng mga travel advisory

ROXAS, Palawan, (Eagle News) – Sa kabila ng mga travel advisory ng ilang malalaking bansa para sa mga turista sa Palawan, patuloy namang nagsasagawa ng maraming municipal activity ang Roxas sa layuning tumaas ang turismo sa bayan. Ito ay kasabay ng pagdiriwang ng bayan ng foundation anniversary ng pagiging ganap na munisipyo ng Roxas ngayong araw (Mayo 15). Ayon kay Municipal Disaster Risk Reduction Officer (MDRRO) Jerry Halili, layunin ng lokal na pamahalaan ng Roxas […]

Mariveles-Bagac bypass road malapit nang matapos

MARIVELES, Bataan (Eagle News) – Malaking ginhawa para sa lahat ng motorista ang nalalapit na pagtatapos ng ginagawang kalsada na 44-kilometer bypass road ng Mariveles-Bagac, Bagac-Mariveles, Bataan. Ang nasabing kalsada ay sinimulan taong 2013 at inaasahang matatapos sa taong 2018. Halos apat na kilometro na lamang ang natitirang rough road na itinuturing na major project ng Provincial Government ng Bataan. Sa nasabing bypass road ay maaaring dumaan ang mga motorista na galing ng Mariveles patungong […]

20 miyembro ng Abu Sayyaf, patay sa engkwentro ng militar sa Basilan

 SUMISIP, Basilan (Eagle News) – Dalawampung miyembro ng Abu Sayyaf Group ang patay matapos bombahin ng militar ang kampo ng mga mga bandido sa Brgy. Pamatskaen, Sumisip, Basilan. Sa nasabing kampo nagkukuta si Abu Sayyaf leader Furuji Indama. Sinabi ni 4th Special Forces Batallion Commanding Offcer Lt. Col. Andrew Bacala, bukod sa mga kanyon at baril, ginamitan nila ng FA-50 fighter jets ang mga bandido. Sa kuta na-recover nila ang mga materyales sa paggawa ng bomba, […]

Turismo sa Palawan, patuloy na isinusulong sa bayan ng Roxas

ROXAS, Palawan (Eagle News) — Sa kabila ng mga travel advisory ng ilang malalaking bansa para sa mga turista sa lalawigan ng Palawan, patuloy namang nagsasagawa ng maraming municipal activity ang bayan ng Roxas sa layuning tumaas ang turismo sa bayan. Ito ay kasabay ng pagdiriwang ng bayan ng ika-66 Foundation anniversary ng pagiging ganap na munisipyo ng Roxas ngayong Mayo 15. Ayon kay Municipal Disaster Risk Reduction Officer ( MDRRMO ) Jerry Halili, layunin […]

Tax collection ng Tarlac City, lumobo ngayong 2017

TARLAC CITY, Tarlac (Eagle News) – Naging maganda ang ibinunga ng malawakang kampanya ng mga income generating department ng pamahalaang lungsod ng Tarlac, tulad ng Assessors Office, Task Force Market, Task Force Quarry, at mga iba pang departamento na nagpapasok ng mga koleksiyon. Ito ang ibinalita ni Lyn dela Paz Cruz, City Treasurer Officer. Ayon kay Dela Paz Cruz, mula Enero hanggang Marso 2016, sa tax on business umabot lamang ang koleksyon sa halagang Php 135,940,289.19. […]

Brigada Eskwela, isinagawa sa mga paaralan sa Tandag, Surigao del Sur

TANDAG CITY, Surigao del Sur (Eagle News) – Nagsagawa ng Brigada Eskwela  sa mga paaralan sa Tandag, Surigao del Sur, noong Sabado, May 13. Ito ay bilang paghahanda sa nalalapit na pasukan ng mga bata. Maagang dumating sa mga paaralan partikular na sa Buenavista National High School at Maticdom Elementary School ang mga teacher, mga magulang ng mga mag-aaral, ang mga kinatawan ng Department of Education, at ilang personnel ng Tandag City Municipal Police Station upang pangunahan […]

Lalaki, nabundol ng SUV sa Quezon City; Kritikal

QUEZON City (Eagle News) — Kritikal ang lagay ng isang lalake matapos itong mabundol ng isang sport utility vehicle habang tumatawid sa bahagi ng E. Rodriguez Avenue sa Quezon City mag aalas dose ng hating gabi kagabi. Kinilala ang biktima na si Sonny Obias. Ayon sa driver, bigla na lamang bumulaga sa kanyang harapan ang tumatawid na lalake kung kaya’t humampas ito sa harapan ng sasakyan. Halos mawasak ang windshield at mayupi ang hood ng […]