Bangkay ng 2 mangingisda sa Zamboanga, natagpuan na

Zamboanga Sibugay (Eagle News) — Tatlong araw matapos na maiulat ang pagkawala ng dalawang mangingisda, natagpuan na ang kanilang mga bangkay sa baybaying bahagi ng Sitio Tando, Brgy. Looc Labuan sa bayan ng Tungawan, Zamboanga Sibugay.

Ayon kay Chief Inspector Chamer Gloria Lacay ng Tungawan PNP, Mayo 7 pa noong napaulat na nawawala sina Jose Dasillo Bucoy, 37, may asawa at si Rodel Abad Alimpong, 13, na kapwa residente sa bayan ng Ipil, Zamboanga Sibugay.

Nagtamo ang dalawa ng mga sugat mula sa ulo hanggang sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan, dahilan ng kanilang kamatayan.

Sa ngayon ay inaalam pa ng Tungawan PNP ang motibo ng mga hindi pa matukoy na salarin sa pagpaslang sa dalawang mangingisda sa pamamagitan ng taga.

https://youtu.be/MR73YFjd5cw