Provincial News

Mahigit 500 mag-aaral, nakinabang sa ipinamahaging gamit sa eskuwela sa Zamboanga Sibugay

IMELDA, Zamboanga Sibugay (Eagle News) — Mahigit limang daan na estudyante na papasok palang sa elementarya  ang nakinabang sa ipinamahaging gamit sa eskwela sa Zamboanga Sibugay. Ayon kay Mayor Roselyn Silva, ang pamamahagi ng mga bag, lapis, notebook sa mga estudyante ay upang wala nang maidahilan ang mga magulang na hindi nila mapaaral ang kanilang anak dahil sa kahirapan. Tangi sa sa pamamahagi ng gamit sa eskuwela, nagsagawa rin ng medical outreach  sa lugar, kung saan ang […]

BFAR-Zamboanga, nagbabala patungkol sa isdang barracuda

  ZAMBOANGA CITY (Eagle News) — Patuloy na nagbabala si Zamboanga City Agriculturist Dr.  Diosdado Palacat tungkol sa paghuli, pagbebenta at pagkain ng isdang barracuda dahil sa taglay nitong kemikal na nakalalason sa tao. Dahil dito, naglilibot ngayon ang mga tauhan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources upang inspeksyunin ang mga ibinebentang isda sa palengke. Ginawa ito matapos ang isang isolated incident umano, kung saan mayroong  namatay na  isang pusa pagkatapos makakain ng isda na galing sa […]

Mayor Richard I. Gomez, dumalaw sa ongoing exercise ng PH-US Balikatan forces

ORMOC CITY, Leyte (Eagle News) – Dinalaw noong Huwebes, May 11, ni Mayor Richard Gomez ang isa sa mga ongoing exercises ng PH-US Balikatan Forces sa Ipil Port ng Ormoc City, Leyte. Ang exercise ay may kinalaman sa pagtanggal ng debris sa lumang pier sa Brgy. Ipil, Ormoc City, na nagiging balakid sa pagdaong ng mga barko. Posible rin aniya itong magiging sanhi ng aksidente dahil hindi ito nakikita kapagka-high tide. Kasama sa pagdalaw ang PNP, US-UCT (Underwater Construction Team) […]

Buntis Congress 2017, isinagawa sa Rosales, Pangasinan

ROSALES, Pangasinan (Eagle News) – Isinagawa sa Rosales, Pangasinan ang Buntis Congress 2017 kamakailan. Nilahukan ito ng 300 na mga kababaihang buntis. May tema itong “Isiguro ang kaligtasan ng malusog na pagbubuntis.” Sa nasabing programa ay nagkaroon ng search for healthy preggy mom, pre-natal check up, usapang macho, mass blood donation, at oral health lectures na kung saan binigyan din ng vitamin c ang mga mommies. Ayon kay Dra. Elizabeth Alimorong, ang Buntis Congress ay programa ng Department […]

Women empowerment: Family planning seminar isinagawa sa Lipa City

Nagsagawa ng libreng seminar para sa mga buntis at bagong nanganak pa lamang ang Philippine Business for Social Progress sa Lipa City. Ang seminar–na isinagawa sa pakikipagtulungan ng City Health Office at inisponsoran ng Lima Organization of Pollution Control Officers, Inc. (LOPCO Inc.)—ay naglalayong mabigyan ng kaalaman ang mga kababaihan ukol sa tamang pagpaplano ng pamilya, kabilang na ang wastong paggamit ng mga contraceptives. Humigit-kumulang 200 kababaihan mula sa iba’t-ibang barangay sa Lipa ang dumalo sa nasabing seminar. Kabilang na dito […]

Longest line of tables, opisyal nang nasungkit ng Sto.Tomas, Pangasinan

STO. TOMAS, Pangasinan (Eagle News) – “Congratulations, you are Officially Amazing!”  Ito ang laman ng sulat na natanggap ng Munisipalidad ng Sto.Tomas, Pangasinan mula sa Guinness World Records matapos ang matagumpay na pagtatala nito ng Longest Line of Tables. Nagtala ang nasabing bayan ng 6,000 na may .45 metrong haba ng pinagdugtong-dugtong na mesa noong Abril 2 taong kasalukuyan. Nasa 2,470 mesa ang nagamit upang mabuo ang ganoon kahabang linya. Ang titulo ay dating hawak […]

Pagbabawal ng paninigarilyo sa pampublikong lugar, ipinatupad sa Umingan, Pangasinan

UMINGAN, Pangasinan (Eagle News) – “Anti-smoking campaign in public places.” Ito ang Municipal Ordinance No. 24  of 2008 sa Umingan, Pangasinan. Ipinatupad na ito ng nasabing bayan simula pa noong Hunyo 2016. Para maipaalam sa mga mamamayan ay nagsagawa sila ng parade, tree planting, poster at slogan making. Sa simula ay umani ito ng sari-saring negatibong reaksiyon mula sa mamamayan ng Umingan. Ngunit sa tulong at pagbibigay impormasyon ng RHU ng masamang epekto at dulot ng paninigarilyo kalaunan ay naging […]

Truck ban mahigpit ng ipatutupad ng lokal na pamahalaan ng Baguio City

  BAGUIO CITY (Eagle News) — Mahigpit ng ipatutupad ng lokal na pamahalaan ng Baguio City ang City Ordinance No. 05, series of 2017 o truck ban sa lungsod. Ito ay matapos na maamyendahan at maaprubahan ng lower legislative body o konseho sa lungsod ang naturang ordinansa na kinatigan din ng iba’t ibang sektor. Matatandaan na apat na beses na sinuspinde ng lokal na pamahalaan ang pagpapatupad sa naturang ordinansa  matapos na iakyat sa konseho […]

7 tauhan ni Alhabsy Misaya ng Abu Sayyaf sumuko sa Sulu

ZAMBOANGA CITY (Eagle News) – Sumuko sa militar ang pitong miyembro ng Abu Sayyaf Group na mga tauhan at tagasunod ng napatay na ASG Sub-leader na si Alhabsy Misaya sa Sulu. Ayon kay Joint Task Force Sulu Commander Brig. Gen. Cirilito Sobejana, kusang-loob na sumuko ang pitong ASG sa Sitio Kanjawali, Bgry. Tandu Bato, Luuk, Sulu. Nakilala ang limang sumukong Abu Sayyaf na sina: Aminula Sakili Saharijan Sakili Hayden Sahidul Sattar Sadjal Orik Samsuraji Habang ang dalawang iba […]

Mga training seminars ng TESDA sa mga drug surrenderee, malaki ang naitutulong – Piñan-PNP

PIÑAN, Zamboanga del Norte (Eagle News) – Malaki ang naitutulong ng mga programa ng lokal na Pamahalaan ng Piñan, Zamboanga del Norte, para sa mga drug surrenderee sa ikapananatili ng kapayapaan at kaayusan sa lugar, ito ay ayon sa Piñan PNP. Sa panayam kay Police senior Inspector Arcelito Hampac Derama, OIC ng Piñan, Municipal Police Station, napag-alaman na tatlong beses nang nagsagawa ng training seminars ang TESDA sa mga surrenderee na walang sapat na kabuhayan o mapagkakakitaan. Ayon kay […]

Iba pang bansa, may travel advisory na rin sa Palawan; PNP, pinawi ang pangamba ng publiko

PALAWAN (Eagle News) – Nag-isyu na rin ng kanilang travel advisory ang iba pang mga bansa para sa kanilang mga kababayan na nagbabalak na magtungo sa Palawan dahil sa banta sa seguridad. Kabilang sa naglabas ng bagong abiso ay ang mga bansang: United Kingdom Canada Australia Una rito, nagsabi ang Estados Unidos na kailangan nilang balaan ang kanilang mga mamamayan na mag-ingat o kaya ay ipagpaliban muna ang pagpunta sa Palawan dahil sa posibilidad ng […]

1,500 pamilya nakinabang sa inilunsad na Water Connect sa Laguna

LAGUNA (Eagle News) — Sa pagtutulungan ng Manila Water Philippine Ventures,  (MWPV) water.org. at Waterlinks ay tinatayang 1,500 na maralitang pamilya ang ikokonekta sa linya ng tubig ng Laguna Water upang makatanggap ng malinis at ligtas na tubig sa kanilang mga tahanan sa buong lalawigan ng Laguna. Ang proyektong ito na tinawag na Water Connect na pasisimulan sa Laguna ay naglalayong suportahan ang mga pamilyang Pilipino na salat sa kakayanang makakuha ng malinis na tubig. Ang […]