Lalaki, nabundol ng SUV sa Quezon City; Kritikal

photo_2017-05-13_16-40-39 (2) photo_2017-05-13_16-40-39 (3)

QUEZON City (Eagle News) — Kritikal ang lagay ng isang lalake matapos itong mabundol ng isang sport utility vehicle habang tumatawid sa bahagi ng E. Rodriguez Avenue sa Quezon City mag aalas dose ng hating gabi kagabi.

Kinilala ang biktima na si Sonny Obias.

Ayon sa driver, bigla na lamang bumulaga sa kanyang harapan ang tumatawid na lalake kung kaya’t humampas ito sa harapan ng sasakyan.

Halos mawasak ang windshield at mayupi ang hood ng SUV sa lakas ng impact.

Dagdag pa ng driver, hindi naman sya nakainom at hindi rin naman sya inaantok.

Samantala kasalukuyan nang iniimbestigahan ang nasabing insidente. (Eagle News Correspondent Retchel Micu)