Provincial News

Korean nationals nangunguna parin sa listahan ng mga madalas bumisita sa Boracay

(Eagle News) — Umakyat ng labing isang (11) porsyento ang bilang ng mga turistang nagtutungo sa isla ng Boracay mula nitong Enero hanggang Abril ng taong ito kumpara noong nakaraang taon. Sa datos ng Malay Municipal Tourism Office,  mula lang nitong unang apat na buwan ng taon ay nasa mahigit 744 thousand na ang naitalang tourist arrival sa isla kumpara sa mahigit 671 thousand noong nakaraang taon. Ang mga Korean national parin ang patuloy na […]

International Women’s Surfing sa Siargao Island, nilahukan ng 24 na kababaihan mula sa 6 na bansa

SIARGAO ISLAND, Surigao del Norte (Eagle News) – Nasa 24 na kababaihan mula sa anim na bansa ang lumahok sa 9th Siargao International Women’s Surfing Cup sa Munisipyo ng General Luna, Surigao del Norte. Bilang ng mga kababaihang lumahok mula sa ibang bansa: 13 mula sa Pilipinas 6 mula sa Australia 2 mula sa Indonesia 1 Japan 1 France 1 Brazil Pinangunahan ni Assistant Secretary Frederick Alegre ng Department of Tourism ang pagbubukas ng nasabing programa. […]

Paggunita sa National Heritage Month, isinagawa sa Ormoc City

ORMOC CITY, Leyte (Eagle News) – Isinagawa noong Miyerkules, May 3 ang opening ceremony para sa isang buwang pagdiriwang ng National Heritage Month ngayong Mayo. Sa taong ito napili ang Ormoc City na pagdausan ng nasabing aktibidad. Ito ay may temang “Malasakit para sa Pamana.” Layunin ng lahat ng aktibidad na maipakilala sa mga bagong henerasyon ang kulturang Pilipino lalo na ang kakaibang kultura ng mga Ormocanon. Ang isa sa mga aktibidad na isinagawa sa pagbubukas ng isang buwang […]

Isang giant female green sea turtle, napadpad sa baybayin ng Albuqueque, Bohol

ALBUQUEQUE, Bohol (Eagle News) – Na-rescue ng Panglao Coast Guard at ng mga residente ang isang nanghihinang giant female green sea turtle na napadpad sa karagatan ng Barangay Wepo, Albuqueque, Bohol. Nakita itong palutang-lutang sa nasabing baybayin noong Lunes, May 1. Sa tulong ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ng Provincial Veterinarian, napag-alamang ang buoyancy problem ng nasabing pawikan ay resulta ng impacted intestine dahil sa plastic ingestion. Bagaman wala namang mga […]

Personnel ng PNP Madrid Police Station nagsagawa ng clean up drive

MADRID, Surigao del Sur (Eagle News) – Nagsagawa ng clean-up drive ang mga miyembro ng PNP Madrid, Surigao del Sur noong Martes, May o2. Maaga pa lamang ay nagtipon na sila para sama-samang isagawa ang nasabing aktibidad. Dala ang mga gamit panglinis ay sinuyod nila ang mga basura at nagtataasang mga damo sa tabing dagat sa Barangay Union. Maaga naman nilang natapos ang nasabing gawain. Sa nakaraan ay nagsagawa na rin sila ng ganitong aktibidad sa […]

Medical at Dental Outreach Program, matagumpay na naisagawa sa Dapitan City

DAPITAN CITY, Zamboanga del Norte (Eagle News) – Naging matagumpay ang isinagawang Medical at Dental Outreach Program ng LGU Dapitan. Isinagawa ito sa Baylimango Covered Court ng naturang bayan kamakailan. Katuwang din sa naturang aktibidad ang City Agriculture Office, CSWDO, City Registrars Office, City Veterinarian at iba pang mga kawani ng lokal na pamahalaan. Mahigit 500 residente ang nakinabang sa serbisyong medikal at dental na handog ng LGU Dapitan. Sa nasabing aktibidad ay isinagawa ang libreng konsulta, bunot ng […]

Abot-Alam Program ng DepEd para sa mga out-of-school youth, inilunsad sa Marilao, Bulacan

MARILAO, Bulacan (Eagle News) – Inilunsad ng Department of Education (DepEd) Marilao ang programang ‘Abot-Alam’ sa pakikipagtulungan ng lokal ng pamahalaan ng Marilao, Bulacan para sa mga kabataan na walang kakayahang pumasok sa paaralan at ang mga may kapansanan o Person with disabilities (PWD). Ang paglulunsad ng programa ay isinagawa sa Municipal Atrium na pinangunahan ni ALS Provincial Director Celestino Carpio at Marilao North DepEd District Supervisor Maria Neriza Fanuncio. Ito ay sa pakikipagtulungan din […]

Service crew na nagsauli ng bag na naglalaman ng P 1 milyon, pinarangalan

OLONGAPO CITY, Zambales (Eagle News) – Pinarangalan sa mismong “Araw ng Paggawa“ ang isang service crew na si Jessa Bhett Benavidez sa Olongapo City. Ito ay matapos magsauli ng bag na naglalaman ng  isang milyong piso. Pinangunahan ni Atty. Wilma Eisma, Subic Bay Metropolitan Authority Administrator and CEO ang pagkilala sa nasabing matapat na empleyado ng isang Japanese Restaurant sa SBFZ. Noong April 25, isang grupo ng foreigner ang kumain sa isang Japanese restaurant sa Olongapo […]

Isang bahagi ng bundok sa Bontoc-Baguio Road, gumuho

BONDOC, Mountain Province (Eagle News) – Bunga ng biglaang pagbuhos ng malakas ng ulan sa Mountain Province ay gumuho ang isang bahagi ng bundok sa Bontoc-Baguio Road sa may Brgy. Chachakan, Bontoc, Mountain Province. Hindi agad naalis ang lupa at mga bato sa daan dahil sa tuloy-tuloy na pagbagsak ng mga bato at lupa sa kalsada. Nagdulot ito ng matinding pagka abala sa mga biyahero dahil tumagal ito ng ilang oras. Ang iba sa mga biyahero ay […]

Safety and Health seminar, dinaluhan ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa Puerto Princesa, Palawan

PUERTO PRINCESA, Palawan (Eagle News) – Nagsagawa ng Safety & Health Seminar ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa Hilagang bahagi ng Palawan. Isinagawa ito sa  Pilot Elementary School sa lungsod ng Puerto Princesa kung saan dinaluhan ito ng hindi bababa sa 400 na mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo. Ang aktibidad ay dahil na rin sa sunud-sunod na mga kalamidad at sakuna sa iba’t-ibang panig ng bansa. Kaya patuloy ang INC sa paglulunsad ng […]

Job fair sa General Santos City dinagsa ng 1,000 job seekers

GENERAL SANTOS CITY, Cotabato South (Eagle News) – Dinagsa ng humigit kumulang 1,000 job seekers ang isinagawang job fair sa KCC Convention Center, General Santos City nitong Lunes, May 1. Inihanda ito ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa iba’t ibang lugar sa ating bansa. Ito ay bilang paggunita sa unang Labor Day sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. Layunin nito na makapagbigay ng iba’t ibang trabaho, negosyo at pangkabuhayan. Ito ay may temang […]