Provincial News

AFP-WesMinCom nananawagan sa mga taga-Sulu na makipagtulungan sa militar

ZAMBOANGA CITY, Philippines (Eagle News) – Nanawagan si Lt. Gen. Carlito G. Galvez, Commander ng Armed Forces of the Philippines Western Mindanao Command (AFP-WesMinCom) sa mga taga-Sulu na makipagtulungan sa militar. Ituro na rin aniya ang lugar na pinagtaguan ng mga taong responsable sa pagpugot kay Sgt. Anni Siraji noong nakaraang linggo. Sinabi pa ni Galvez na mabibigyan lamang ng hustisya ang pamilya Siraji kung mapanagot ang mga taong walang awang pumaslang sa isa sa kanilang tauhan […]

Driver ng ambulansya patay matapos sumalpok sa isang bus

LIANGA, Surigao del Sur (Eagle News) – Dead on arrival ang driver ng isang ambulansya matapos itong sumalpok sa isang bus sa Brgy. Manyayay, Lianga, Surigao del Sur. Kinilala ang biktima na si Alexander Fazon Talibong, 55 taong gulang, residente ng Poblacion, Lianga, Surigao del Sur. Ayon sa imbestigasyon ng Philippine National Police Lianga, patungong Tandag City ang ambulansya habang ang bus naman na minamaneho ni Dennis Casuco ay papuntang Butuan City. Lumampas sa kabilang lane ng kalsada ang […]

Ligtas na pagbabakasyon program ng PNP, ipinatutupad na

POLANCO, Zamboanga del Norte (Eagle News) – Nakakalat na kasalukuyan sa mga pangunahing lansangan sa Polanco, Zamboanga del Norte ang mga Police Assistance Desk at Check Point. Ito ay inilatag para sa kapakanan ng mga motoristang bumibyahe para mamasyal at magbakasyon. Ang programang ito ay binuo at ipinatutupad ng PNP General Headquarters. May tema itong “PNP SUMVAC o Summer Vacation Ligtas na Bakasyon, Serbisyo ng Kapulisan.” Ang Polanco ay pangunahing dinadaanan patungong Dipolog City, Dapitan City, […]

209 magsasaka ng tabako, tumanggap ng cash assistance mula sa National Tobacco Administration

DOLORES, Abra (Eagle News) – Nasa 209 na mga Abreniong magsasaka ng tabako ang nagtipun-tipon sa Dolores Civic Center upang tanggapin ang kanilang tseke na nagkakahalaga ng 2,000 pesos. Ito ay parte ng Curing Burn Assistance Program ng National Tobacco Administration sa pangunguna ni Dr. Robert Seares. Ang nasabing tulong ay para sa mga nasalanta ang mga pugon (curing barn) noong kasagsagan ng super typhoon Lawin. Ito na ang ikalawang cash assistance distribution na isinagawa ng […]

“Evangelical Medical Mission” isinagawa ng Iglesia Ni Cristo sa Rodriguez Municipal Jail

RODRIGUEZ, Rizal (Eagle News) – Nagsagawa ang Iglesia Ni Cristo ng  Medical and Dental Mission sa Rodriguez Municipal Jail. Katuwang nila sa nasabing aktibidad ang New Era General Hospital at nakipagtulungan din ang pamunuan ng Rodriguez Municipal Jail (BJMP). Pinangunahan ito ni Bro. Jeremias Mendoza III, Assistant District Minister ng Iglesia Ni Cristo sa Distrito ng Central. Kasama rin si Bro. Jovel Dexter Tubig, Ministro ng Ebanghelyo at mga miyembo ng INC. Mainit man ang panahon ay nabigyan […]

COMELEC Registration isinagawa sa Brgy. Sun Valley, Parañaque City

PARAÑAQUE CITY, Metro Manila (Eagle News) – Kasalukuyang isinasagawa ang COMELEC Registration ngayon araw (Martes) April 25, sa Barangay Hall, Barangay Sun Valley Parañaque City. Sinimulan ang registration bandang 8:00 ng umaga. Subalit bago ang itinakdang oras ay madami na ang nakapila upang makapagparehistro. Ang ganitong programa ay isinagawa ng Parañaque COMELEC sa pamamagitan ng pakikipag-koordinasyon sa mga Punong Barangay ng nasabing lungsod. Para ang mga residente na hindi pa nakapagparehistro ay mas makapagparehistro na […]

Cash for Work Program, isinagawa sa Meycauayan, Bulacan

(Eagle News) — Maaga pa lamang ay nagsimula ng maglinis ng kapaligiran ang may 26 na katao sa Barangay Hulo, Meycauayan City. Sa pangunguna ni Konsehala Marissa Dimasin, sinimulan nilang linisin ang lahat ng mga baradong kanal na kung saan namumugad ang mga lamok na nagdadala ng sakit na dengue. Nilinis din nilang lahat ang mga nagkalat na basura at maging ang  mga sulok-sulok ng daan. Ang cash for works program na proyekto ng lokal […]

Ordinansa ukol paglalagay ng lifeguards at life saving kit ipapatupad sa Lianga, Surigao del Sur

LIANGA, Surigao del Sur (Eagle News) – Nagpatupad ng isang ordinansa ang Sangguniang Bayan ng Lianga, Surigao del Sur. Ito ay bilang tugon sa madalas na insidente ng pagkalunod ng mga bakasyunista. Inobliga nila ang lahat ng mga may-ari ng Beach Resort at mga paliguan na magkaroon ng rescue boat, life saving kit, at lifeguards. Ito ay upang magmamasid at magbabantay sa mga naliligong mga bakasyunista. Ang sinumang masusumpungan na lalabag sa ordinansa ay papatawan ng kaukulang multa […]

Oplan “TapHang” o “tapok hangyo,” isinagawa ng PNP sa Dipolog City

DIPOLOG CITY, Zamboanga del Norte (Eagle News) – Nagsagawa ang Dipolog City Police Station ng “TapHang” o tapok hangyo sa Barangay Diwan, Dipolog City. Pangunahing layunin nito na maipaabot ang mga mahahalagang impormasyon sa mga residente ukol sa program ng Philippine National. Sa lekturang isinagawa ay naging tagapakinig ang mga opisyales ng barangay, drug surrenderees, mga magulang at kabataan na sakop sa nasabing barangay. Ayon kay PO1 Mariel A. Mamintas, Assistant PCR, sa ganitong programa ay […]

Lokal na Pamahalaan ng Surigao del Norte nakiisa sa pagdiriwang ng International Earth Day

SURIGAO CITY, Surigao del Norte (Eagle News) – Nakiisa ang pamahalaang panlalawigan ng Surigao del Norte sa Pagdiriwang ng International Earth Day. Ang pagdiriwang ay may temang “Environmental and Climate Literacy.” Bilang proyekto ng nasabing pagdiriwang ay nagsawaga sila ng tree planting nitong Biyernes, April 21. Sumama sa aktibidad ang mga empleyado ng Kapitolyo. Nakiisa rin ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at […]

Summer class na may temang: “Pulis ko,Titser ko,” isinagawa sa Zamboanga del Norte

LA LIBERTAD, Zamboanga del Norte (Eagle News) – Umabot sa 98 kabataang mag-aaral ang nakinabang sa isinagawang summer class ng kapulisan sa Zamboanga del Norte. Ito ay may temang “Pulis ko, Titser ko.” Isinagawa ito sa La Libertad, Zamboanga del Norte na pinangunahan ng Philippine National Police (PNP) La Libertad. Katuwang din ng naturang programa ang Department of Education (DepEd) at mga personahe ng Zamboanga del Norte Police Provincial Office (ZNPPO). Naging panauhing tagapagturo si SPO2 Dannette Abella […]

Mahigit isang milyong voters ID sa Davao Region hindi pa nakukuha ng may-ari

DAVAO CITY, Philippines (Eagle News) – Nasa mahigit isang milyong voters identification cards ang hindi pa kinuha ng mga kinauukulan particular na sa Davao Region ayon sa Commission on Elections (COMELEC). Sa nakalap na impormasyon, hinikayat ni COMELEC – Davao Regional Director Lawyer Remlane Tambuang, ang 1,193,816 na mga botante na kunin na sa tanggapan ng COMELEC ang kanilang ID. Sa Davao City mismo ay mayroong 551, 628 ID’s na maaari ng makuha ayon kay COMELEC Director. […]