Provincial News

SCAN International nagsagawa ng Bantay Lansangan

IBA, Zambales (Eagle News) – Nagsagawa ng Bantay Lansangan ang SCAN International sa kasalukuyan sa Iba, Zambales. Layunin nito na makatulong sa mga motorista na naglalakbay sa panahon ito ng mahabang bakasyon. Ang ganitong aktibidad ay ginagawa taun-taon ng nasabing kapisanan sa pakikipag-ugnayan ng Philippine National Police-Traffic Management Group. Ang aktibidad ay tatagal ng tatlo hanggang limang araw. Michael M. Nocido – EBC Correspondent, Iba, Zambales

PNP-Madrid namahagi ng leaflets para sa ligtas na pagbiyahe

MADRID, Surigao del Sur (Eagle News) – Namahagi ng leaflets o babasahin tungkol sa maayos at ligtas na pagbabiyahe ng mga motorista at mga commuters ang kapulisan ng Madrid, Surigao del Sur. Ito ay dahil na rin sa kasalukuyan ay may mahabang bakasyon. Nakalakip sa nasabing leaflets ang mga kapamaraanan na dapat maisaalang-alang ng sinumang bumabiyahe para sa kanilang kapakanan o kaligtasan. Maging ang mga dapat ma-check up sa mga sasakyang gagamitin. Patuloy ang panawagan ng mga […]

Zamboanga City Jail inmates hinikayat na maging miyembro ng SSS

ZAMBOANGA CITY, Philippines (Eagle News) – Hinikayat ng mga pamunuan ng Social Security System (SSS) ang ilang mga naka-detain sa Zamboanga City Jail na magbukas ng account. Inilunsad nila ang “AlkanSSSya Program” na isang sistema na kanilang binuo na madaling paraan ng pag-iipon ng isang inmate sa isang coin bank. Tuwing katapusan ng buwan ay kokolektahin naman ng empleyado ng ahensiya ang mga naipon upang ipasok sa kanilang account sa SSS. Nagkaroon din ng contract signing […]

Surigao City naka-heightened alert na sa mahabang bakasyon

SURIGAO CITY, Surigao del Norte (Eagle News) – Nasa heightened alert ngayon ang Task Force ng City Peace and Order Council sa Surigao City para sa mahabang bakasyon. Ayon kay Annette Villaces, Public Information Officer, kasalukuyan ng aktibo ang nasa Philippine National Police, Philippine Army para sa security checkpoints ng lungsod. Nagsimula na ang pagpapakalat ng mga awtoridad sa mga point of entry para maisiguro at mapanatili ang kapayapaan sa buong lalawigan. Gayundin ang Philippine Coastguard […]

Mga pampasaherong jeep sa Davao posibleng palitan ng High Priority Bus System

  DAVAO CITY (Eagle News) — Posibleng palitan ng lokal na pamahalaan ng Davao ang mga pampasaherong jeep ng High Priority Bus System (HPBS)  para matugunan ang dumadaming populasyon ng mga commuter sa naturang probinsya. Batay sa ginawang pagsusuri ng Asian Development Bank (ADB), ang planong pagpalit sa mga pampasaherong jeep ngo HPBS ay epektibo at makakatulong sa pagpapagaan ng transportasyon ng mamamayan. Magkakaroon din umano ng bukod na lanes para sa HPBS na inaasahang magsisimula […]

Destruction sa mga timbangan sa palengke ng Orani, Bataan, isinagawa ng DTI

ORANI, Bataan (Eagle News) – Nagsagawa ang Department of Trade and Industry (DTI) ng Bataan ng destruction sa mga weighing scales o timbangan sa pamilihang bayan ng Orani, Bataan. Kasama ng DTI Bataan sina Orani Public Market Administrator Atty. Raul de Guzman, Vice Mayor Godofredo Galicia Jr, grupo ng Bataan Consumers Affair Council (BCAC) at iba pang LGU’s. Halos 97 na timbangan ang naipon na karamihan ay luma na, may sira at wala ng kakayahang magtimbang ng […]

Baguio City nakiisa sa paggunita sa ‘Araw ng Kagitingan’

BAGUIO CITY, Philippines (Eagle News) – Ipinadiwang ng Baguio City ang ‘Araw ng Kagitingan’ sa Veterans Park. Ito ay pinangunahan ng opisyal ng gobyerno ng lungsod sa pangunguna ni City Mayor Mauricio G. Domogan sa pakikipag-unayan ng Philippine Veterans Association Office (PVAO). Sinaksihan ng mga kawani ng lungsod ang ginawang programa kasama din ang mga kawani ng Baguio City Police Office (BCPO), Boys Scout of the Philippines (BSP- Baguio Chapter), Philippine Military Academy at and Veterans […]

Masa Masid Campaign inilunsad sa Biñan City, Laguna

BIÑAN CITY, Laguna (Eagle News) – Inilunsad ang Masa Masid Campaign at motorcade sa Barangay San Antonio, Binan City, Laguna. Ito ay may temang ‘Mamamayang Ayaw Sa Anomalya, Mamamayang Ayaw Sa Iligal na Droga’. Pinangunahan ni Brgy, Chairman Allan M. Farcon at sinuportahan naman ng Sangguniang Barangay. Nakiisa din ang kapulisan ng Biñan City sa pangunguna ni PSupt. Elpidio A. Ramirez, Acting Chief of Police Binan PNP. Kasama ang mga miyembro ng Barangay Anti-Drug Abuse Council […]

Baby dolphin, patay dahil sa gunshot wounds sa Dinagat Islands

(Eagle News) — Isang pitong (7) talampakang baby dolphin ang natagpuang patay matapos magtamo ng mga tama ng bala ng baril sa barangay Poblacion, Cagdianao sa Dinagat Islands. Ayon sa mangingisdang si Boy Ellar, buhay pa at humihinga ang dolphin nang una nya itong matagpuan sa dalampasigan kahapon ng umaga. Hapon naman nang ideklara ng Municipal Agriculture Office na wala na itong buhay. Sa ngayon hindi pa matukoy kung paano nagtamo ng mga tama ng […]

9 katao nahuli sa Oplan Bulabog sa Quezon City

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) – Nagsanib puwersa ang mga awtoridad ng Quezon City Police District (QCPD) na mula sa iba’t ibang sub-precinct ng Station 3 at Barangay Police Safety Officer (BPSO) ng Tandang Sora sa Quezon City sa ginawang Oplan Bulabog noong Huwebes ng tanghali, Abril 6. Binulabog at ginalugad ang mga bahay sa may Upper Banlat at Delta Village ng mga nasa watch list ng Station 3 na patuloy pa din sa paggamit at […]

Ibong ‘salimbabatang’ dumagsa at nanirahan sa Poblacion, Banga, Aklan

BANGA, Aklan (Eagle News) – Dumagsa sa bayan ng Banga, Aklan, ang napakaraming ibon na tinatawag nilang ‘salimbabatang’ o ‘barn swallows’ na naglalagi sa mga gawad ng kuryente. Naging tila agarang ‘tourist attraction’ ang mga nasabing ibon ngunit abala naman para sa ilang mga dumaraan at mga residente na malapit sa crossing ng Banga Rotonda sa Brgy. Poblacion. Nagbabala si Ms. Ma. Corazon Teodosio, Senior Ecosystem Management Specialist ng Department of Environment and Natural Resources […]

Malaking pawikan na-rescue sa Ipil, Zamboanga Sibugay

IPIL, Zamboanga Sibugay (Eagle News) – Isang malaking pawikan ang nalambat ng mga mangingisda na mayroong bigat na 180 kilograms.  Ang nasabing pawikan ay kabilang sa species ng  green sea turtle na isa umanong endangered species. Ayon kay Felix Badon, Ipil MENRO, nahuli ng lambat ng mangingisda ang pawikan sa Sibakya, Barangay Sanito ng Ipil, Zamboanga Sibugay. Agad itong ipinagbigay-alam sa kanilang tanggapan.  Ito na ang ika-98 marine sea turtle  na narescue ng LGU-Ipil mula noong taong […]