Provincial News

Mga pampasaherong jeep sa Davao posibleng palitan ng High Priority Bus System

  DAVAO CITY (Eagle News) — Posibleng palitan ng lokal na pamahalaan ng Davao ang mga pampasaherong jeep ng High Priority Bus System (HPBS)  para matugunan ang dumadaming populasyon ng mga commuter sa naturang probinsya. Batay sa ginawang pagsusuri ng Asian Development Bank (ADB), ang planong pagpalit sa mga pampasaherong jeep ngo HPBS ay epektibo at makakatulong sa pagpapagaan ng transportasyon ng mamamayan. Magkakaroon din umano ng bukod na lanes para sa HPBS na inaasahang magsisimula […]

Destruction sa mga timbangan sa palengke ng Orani, Bataan, isinagawa ng DTI

ORANI, Bataan (Eagle News) – Nagsagawa ang Department of Trade and Industry (DTI) ng Bataan ng destruction sa mga weighing scales o timbangan sa pamilihang bayan ng Orani, Bataan. Kasama ng DTI Bataan sina Orani Public Market Administrator Atty. Raul de Guzman, Vice Mayor Godofredo Galicia Jr, grupo ng Bataan Consumers Affair Council (BCAC) at iba pang LGU’s. Halos 97 na timbangan ang naipon na karamihan ay luma na, may sira at wala ng kakayahang magtimbang ng […]

Baguio City nakiisa sa paggunita sa ‘Araw ng Kagitingan’

BAGUIO CITY, Philippines (Eagle News) – Ipinadiwang ng Baguio City ang ‘Araw ng Kagitingan’ sa Veterans Park. Ito ay pinangunahan ng opisyal ng gobyerno ng lungsod sa pangunguna ni City Mayor Mauricio G. Domogan sa pakikipag-unayan ng Philippine Veterans Association Office (PVAO). Sinaksihan ng mga kawani ng lungsod ang ginawang programa kasama din ang mga kawani ng Baguio City Police Office (BCPO), Boys Scout of the Philippines (BSP- Baguio Chapter), Philippine Military Academy at and Veterans […]

Masa Masid Campaign inilunsad sa Biñan City, Laguna

BIÑAN CITY, Laguna (Eagle News) – Inilunsad ang Masa Masid Campaign at motorcade sa Barangay San Antonio, Binan City, Laguna. Ito ay may temang ‘Mamamayang Ayaw Sa Anomalya, Mamamayang Ayaw Sa Iligal na Droga’. Pinangunahan ni Brgy, Chairman Allan M. Farcon at sinuportahan naman ng Sangguniang Barangay. Nakiisa din ang kapulisan ng Biñan City sa pangunguna ni PSupt. Elpidio A. Ramirez, Acting Chief of Police Binan PNP. Kasama ang mga miyembro ng Barangay Anti-Drug Abuse Council […]

Baby dolphin, patay dahil sa gunshot wounds sa Dinagat Islands

(Eagle News) — Isang pitong (7) talampakang baby dolphin ang natagpuang patay matapos magtamo ng mga tama ng bala ng baril sa barangay Poblacion, Cagdianao sa Dinagat Islands. Ayon sa mangingisdang si Boy Ellar, buhay pa at humihinga ang dolphin nang una nya itong matagpuan sa dalampasigan kahapon ng umaga. Hapon naman nang ideklara ng Municipal Agriculture Office na wala na itong buhay. Sa ngayon hindi pa matukoy kung paano nagtamo ng mga tama ng […]

9 katao nahuli sa Oplan Bulabog sa Quezon City

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) – Nagsanib puwersa ang mga awtoridad ng Quezon City Police District (QCPD) na mula sa iba’t ibang sub-precinct ng Station 3 at Barangay Police Safety Officer (BPSO) ng Tandang Sora sa Quezon City sa ginawang Oplan Bulabog noong Huwebes ng tanghali, Abril 6. Binulabog at ginalugad ang mga bahay sa may Upper Banlat at Delta Village ng mga nasa watch list ng Station 3 na patuloy pa din sa paggamit at […]

Ibong ‘salimbabatang’ dumagsa at nanirahan sa Poblacion, Banga, Aklan

BANGA, Aklan (Eagle News) – Dumagsa sa bayan ng Banga, Aklan, ang napakaraming ibon na tinatawag nilang ‘salimbabatang’ o ‘barn swallows’ na naglalagi sa mga gawad ng kuryente. Naging tila agarang ‘tourist attraction’ ang mga nasabing ibon ngunit abala naman para sa ilang mga dumaraan at mga residente na malapit sa crossing ng Banga Rotonda sa Brgy. Poblacion. Nagbabala si Ms. Ma. Corazon Teodosio, Senior Ecosystem Management Specialist ng Department of Environment and Natural Resources […]

Malaking pawikan na-rescue sa Ipil, Zamboanga Sibugay

IPIL, Zamboanga Sibugay (Eagle News) – Isang malaking pawikan ang nalambat ng mga mangingisda na mayroong bigat na 180 kilograms.  Ang nasabing pawikan ay kabilang sa species ng  green sea turtle na isa umanong endangered species. Ayon kay Felix Badon, Ipil MENRO, nahuli ng lambat ng mangingisda ang pawikan sa Sibakya, Barangay Sanito ng Ipil, Zamboanga Sibugay. Agad itong ipinagbigay-alam sa kanilang tanggapan.  Ito na ang ika-98 marine sea turtle  na narescue ng LGU-Ipil mula noong taong […]

30 aftershocks, naramdaman sa Batangas dahil sa 5.5 magnitude na lindol 

  (Eagle News) — Sunud-sunod na aftershock ang naranasan ng malaking bahagi ng Batangas at mga kalapit lalawigan makaraang tumama ang 5.5 magnitude na lindol sa bayan ng Tingloy, Batangas kagabi, Abril 4 sa ganap na 8:58 PM. Mula sa magnitude 5.4, itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs ang magnitude ng lindol sa 5.5. Naramdaman ang lindol sa lakas na Intensity V sa Batangas City, Malvar at Calatagan sa  Batangas. Intensity […]

Mahigit dalawang daang baby sea turtle pinakawalan sa baybaying dagat ng Mariveles

https://youtu.be/hdeDB_Ai9Rk MARIVELES, Bataan (Eagle News) – Mahigit 200 baby sea turtle ang pinakawalan ng Municipal Environment and Natural Resources at ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa bayan ng Marivels, Bataan. Isinagawa ito sa magkahiwalay na petsa sa dalawang barangay sa baybaying dagat nito. Madalas matagpuan ng mga mangingisda sa tabing dagat ang mga pawikan na nangingitlog sa dalampasigan o sa buhanginan. Kaya agad na nilang inirereport ito sa BFAR para sa pagdadala sa Hatchery sa […]

Libreng tuli para sa mga kabataan, isinagawa sa Parañaque City

PARAÑAQUE CITY, Metro Manila (Eagle News) – Umabot sa 100 na mga kabataang lalaki ang nakinabang sa isinagawang libreng tuli. Ito ay proyekto taun-taon na pinangunahan ng Barangay Committee on Health at sa pakikipag-koordenasyon ng mga Health Center Workers at Department of Health ng Barangay Sun Valley, Parañaque City. Isinagawa ito noong Abril 4, 2017. Ang mga kabataang kalalakihan na may edad na hindi bababa sa 12 taong gulang ang naserbisyunan ng proyekto. Layunin nito […]

Libreng Skills Training isinagawa ng MFS Training Center at TESDA

MARILAO, Bulacan (Eagle News) – Umabot sa 245 ang bilang ng mga Marilenyo ang sumailalim sa pagsasanay sa iba’t ibang skills program ng Mario F. Santiago Livelihood and Skills Training Center para sa unang quarter ng taong ito. Ilan dito ang pagsasanay para sa electrical installation and maintenance, massage therapy, bread and pastry production, food and beverage service, housekeeping at marami pang iba. Nagsagawa muna ng orientation bago simulan ang pagsasanay para sa mga naging benepisaryo ng […]