Provincial News

Programang ‘Feeding for the Children,’ patuloy na isinasagawa sa Surigao del Sur

MARILAG, Surigao del Sur (Eagle News) – Patuloy na isinasagawa ng Philippine National Police-Marihatag sa Surigao del Sur ang Feeding for the Children Program. Ang huling pinagsagawaan nila ay ang Barangay Poblacion na kung saan halos 100 mga bata ang nakanibang sa nasabing programa. Isa sa kanilang tinututukan sa kasalukuyan ay ang mga kabataan. Pinag-aaralan nila kung paano malikhang mga responsable ang mga ito. Nais nilang mailayo ang mga bata sa anumang krimen o pagamit ng iligal na […]

Mas pinaigting na check point ng PNP-Lianga isinagawa para sa darating na long weekend

LIANGA, Surigao del Sur (Eagle News) – Naghigpit na naman ng seguridad ang Lianga Municipal Police Station sa ipinapatupad nitong checkpoint sa mga pangunahing kalsada sa bayan ng Lianga, Surigao del Sur. Isa-isang iniinspeksyon ang mga pumapasok at lumalabas sa nasabing bayan dahil sa napabalitang may mga sasakyang naglalaman umano ng Improvised Explosive Device (IED) na papunta sa Koronadal City at General Santos City. Nais ng PNP Lianga na mapanatili ang peace and order sa lugar dahil […]

Galing Bataan Trade Fair sa Balanga, Bataan binuksan na

BALANGA CITY, Bataan (Eagle News) – Binuksan ng Bataan Tourism ang ‘Galing Bataan Trade Fair’ sa Plaza Mayor de Balanga. Ito ay isa sa mga aktibidad na isinagawa bilang bahagi sa pagdiriwang ng ika-75 anibersaryo ng Araw ng Kagitingan sa Bataan. Naorganisa ito sa pagtutulungan ng Bataan Tourism, DTI, Bataan Peninsula Tourism Council. Halos 44 micro, small and medium enterprises o MSME’s ang lumahok para i-showcased ang kanilang mga produkto, tulad ng: Dried fish Fish sauce Shrimp paste […]

Mga kabataang miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa Mariveles, Bataan nagsagawa ng coastal clean-up drive

MARIVELES, Bataan (Eagle News) – Matagumpay na naisagawa ang coastal clean-up drive ng mga kabataang miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa Matel Beach, Mariveles, Bataan noong Linggo, April 2. Isinagawa ang nasabing aktibidad upang makatulong sa Lokal na Pamahalaan ng Mariveles sa pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran. Makaiiwas din aniya ang publiko na pumupunta sa beach sa anumang uri ng sakit dulot ng maruming basura naitatapon sa dagat. Larry Biscocho – EBC Correspondent, Bataan  

Habal-habal terminal sa Dapitan City, binuksan na sa publiko

DAPITAN CITY, Zamboanga del Norte (Eagle News) – Binuksan na sa publiko ang habal-habal terminal na ipinagkaloob ng Lokal na Pamamahalaan sa Barangay Bagting, Dapitan City. Isinagawa ang pormal na pagbubukas sa pamamagitan ng cutting of ribbons at turn-over ceremony na dinaluhan ni City Administrator Wilberth Magallanes, OIC, City Engineer Gerry Icao, at Joseph Alvi Agolong, Economic Enterprise Head. Sinaksihan rin ito ng mga opisyales sa naturang barangay at ng mga habal-habal driver. Layunin aniya ng pagtatayo […]

Php 1-M mula sa DOLE ipinagkaloob para sa pangkabuhayan project sa Marilao, Bulacan

MARILAO, Bulacan (Eagle News) – Isa ang Bayan ng Marilao, Bulacan sa masuwerting napagkalooban ng DOLE ng isang milyong piso para sa pangkabuhayang project. Ito ay ilalaan naman ng Pamahalaang Bayan para sa mga maliliit at nagnanais na magkaroon ng puhunan para sa maliit na negosyo. Ang DOLE Starter Kit mula sa Programang Bottom-up Budgeting ay ang programang makapagbibigay tulong sa mahigit na 300 indibidwal na nagnanais magsimula ng kanilang maliit na negosyo o pangkabuhayan para sa taong […]

102 kabataan nagtapos sa programang Drug Abuse Resistance Education

TANDAG CITY, Surigao Del Sur (Eagle News) – Isinagawa ang graduation ng may 102 na kabataan na sumailalim sa programa ng Department of Education (DepEd) at ng PNP na Drug Abuse Resistance Education (DARE). Ang nasabing aktibidad ay idinaos sa Carrascal Sports and Cultural Center nitong Biyernes, March 31. Naging Guest Speaker sa nasabing programa si Surigao del Sur Provincil Director PSSupt. Romaldo Bayting. Sa kaniyang mensahe ay kinumbinse niya ang mga kabataang mag-aaral na nagtapos sa programa […]

Turn-over ng 5 bagong trucks isinagawa sa Dipolog City

DIPOLOG CITY, Zamboanga del Norte (Eagle News) – Isinagawa ng lokal na pamahalaan ng Dipolog City ang turn over ceremony sa limang bagong trucks ng CENRO para sa Solid Waste Management Division-on garbage collection, isang unit ng forklift para sa Galas Feeder Port, at isang unit ng manlift para sa Electrical Section ng City General Services Office. Naglalayon ito na mapaunlad ang serbisyo ng pangungulekta ng basura sa Dipolog City kasabay ng patuloy na paglago ng business sector […]

Blood donation activity isinagawa sa Taytay, Palawan

TAYTAY, Palawan (Eagle News) – Nagsagawa ng blood letting ang Municipal Health Office sa pangunguna ni Dr. Dan Del Rosario at sa pakikipagtulungan ng Municipal Disaster Risk Reduction Management. Isinagawa ito sa  Floor Annex Building ng munisipyo ng Taytay noong Huwebes, March 30. Unang nagpakuha ng dugo ang miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa nasabing bayan. Hinikayat din ang mga Punong Barangay ng Taytay na ikampanya ito sa kanilang nasasakupan na ang may mga kakayahan na mag-donate ng dugo. […]

Lider ng isang bandidong grupo arestado; 36 na matataas na kalibre ng baril narekober ng militar

ZAMBOANGA CITY (Eagle News) – Isang leader ng bandidong grupo ang naaresto sa Sulu, samantalang napatay naman ang isang tauhan nito sa pinagsamang operasyon ng Task Force Sulu noong Miyerkules, March 29 bandang 5:00 ng umaga. Ito ay pinangungunahan ni Col. Cirilito Sobejana at ng PNP. Nakumpiska at narekober ng mga operatiba ang ilang matataas na kalibre ng baril mula sa suspek. Nagkaroon ng engkwentro ang mga elemento ng Task Force Panther sa ilalim ni […]

Pangulong Duterte pinangunahan ang People’s Day Celebration sa Socorro, Oriental Mindoro

SOCORRO, Oriental Mindoro (Eagle News) – Pinasalamatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mamamayan sa Bayan ng Socorro, Oriental Mindoro sa patuloy na pagsuporta sa kaniya. Sinabi ito ng Pangulo sa kaniyang naging pagbisita sa nasabing lugar noong Miyerkules, March 29 sa isinagawang People’s Day Celebration sa Brgy. Batong Dalig, Socorro, Oriental Mindoro. Nagpasalamat rin ang Pangulo sa suportang ibinigay sa kaniya ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) National President at Socorro Mayor Maria Fe ‘Bubut’ Brondial […]

Mangingisda na tumagal ng halos 2 buwan sa dagat, nakauwi na

GENERAL SANTOS CITY, Cotabato South (Eagle News) – Nakauwi na ang isang mangingisda na tumagal ng halos dalawang buwan o 58 na araw sa dagat. Sa salaysay ni Rolando Omongos, 21 years old, taga-General Santos City noong Disyembre 21, 2016 nang sila ay pumalaot kasama ng iba pang mangingisda. Dahil aniya sa bagyo ay nahiwalay ang bangka na kaniyang sinasakyan sa lancha o mother boat noong Enero 10, 2017. Naanod aniya sila patungong Papua New Guinea. Makalipas […]