Baby dolphin, patay dahil sa gunshot wounds sa Dinagat Islands

(Eagle News) — Isang pitong (7) talampakang baby dolphin ang natagpuang patay matapos magtamo ng mga tama ng bala ng baril sa barangay Poblacion, Cagdianao sa Dinagat Islands.

Ayon sa mangingisdang si Boy Ellar, buhay pa at humihinga ang dolphin nang una nya itong matagpuan sa dalampasigan kahapon ng umaga.

Hapon naman nang ideklara ng Municipal Agriculture Office na wala na itong buhay.

Sa ngayon hindi pa matukoy kung paano nagtamo ng mga tama ng bala ng baril ang natagpuang baby dolphin.