Baguio City nakiisa sa paggunita sa ‘Araw ng Kagitingan’

BAGUIO CITY, Philippines (Eagle News) – Ipinadiwang ng Baguio City ang ‘Araw ng Kagitingan’ sa Veterans Park. Ito ay pinangunahan ng opisyal ng gobyerno ng lungsod sa pangunguna ni City Mayor Mauricio G. Domogan sa pakikipag-unayan ng Philippine Veterans Association Office (PVAO).

Sinaksihan ng mga kawani ng lungsod ang ginawang programa kasama din ang mga kawani ng Baguio City Police Office (BCPO), Boys Scout of the Philippines (BSP- Baguio Chapter), Philippine Military Academy at and Veterans Daughter and Sons.

Nagkaroon din ng wreath laying ceremony sa pangunguna ng opisyal ng gobyeno ng lungsod at PVAO. Bilang pagtatapos ng programa ay nagkaroon ng photo opportunity sa Panauhing Pandangal sa isinagawang programa.

Emeldinand Motas – EBC Correspondent, Baguio City

Photos courtesy: BCPO PIO