SCAN International nagsagawa ng Bantay Lansangan

IBA, Zambales (Eagle News) – Nagsagawa ng Bantay Lansangan ang SCAN International sa kasalukuyan sa Iba, Zambales. Layunin nito na makatulong sa mga motorista na naglalakbay sa panahon ito ng mahabang bakasyon.

Ang ganitong aktibidad ay ginagawa taun-taon ng nasabing kapisanan sa pakikipag-ugnayan ng Philippine National Police-Traffic Management Group. Ang aktibidad ay tatagal ng tatlo hanggang limang araw.

Michael M. Nocido – EBC Correspondent, Iba, Zambales