20 miyembro ng Abu Sayyaf, patay sa engkwentro ng militar sa Basilan

 SUMISIP, Basilan (Eagle News) – Dalawampung miyembro ng Abu Sayyaf Group ang patay matapos bombahin ng militar ang kampo ng mga mga bandido sa Brgy. Pamatskaen, Sumisip, Basilan.

Sa nasabing kampo nagkukuta si Abu Sayyaf leader Furuji Indama.

Sinabi ni 4th Special Forces Batallion Commanding Offcer Lt. Col. Andrew Bacala, bukod sa mga kanyon at baril, ginamitan nila ng FA-50 fighter jets ang mga bandido.

Sa kuta na-recover nila ang mga materyales sa paggawa ng bomba, mga pagkain at tatlong live improvised explosive devices kung saan isa ang sumabog na ikinasugat ng dalawang sundalo.