Pulis patay, 6 sugatan matapos paulanan ng bala sa Balayan, Batangas

BALAYAN, Batangas (Eagle News) – Patay ang isang pulis habang sugatan naman ang anim na katao matapos pagbabarilin ang mga ito ng apat na lalaki sa Batangas kamakailan.

Namatay habang ginagamot sa ospital si SPO1 Brian de Jesus.

Nakatalaga ito sa Balayan Municipal Police Station.

Sugatan naman ang anim pang iba na  di pa nakikilala, na tinamaan ng ligaw na bala.

Ayon sa awtoridad, nanonood ng live band ang pulis nang paulanan ito ng bala ng mga suspek sa Brgy. Sampaga, Balayan.

Kinilala naman ng mga nakasaksi ang gunman na si Rodolfo Makalindong, Francisco “Barok” Arroyo  at dalawang iba pa.

Makalipas ang halos isang oras, nagtungo ang mga tauhan ng Philippine National Police-Balayan sa tahanan ni Makalindong sa Brgy. Caybunga dala ang warrant of arrest dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Nang makatunog ang suspek, ay kaagad nitong pinaputukan ang mga pulis sa labas ng kaniyang bahay at tumakas.

Isang babae naman ang tinamaan ng ligaw na bala mula sa baril ni Macalindong at kaagad na dinala sa ospital.

Nakuha naman mula sa bahay ng suspek ang limang sachet ng hnihinalang shabu na tumitimbang ng humigit kumulang 22 gramo, at mga drug paraphernalia. Apat na basyo ng kalibre 45 na baril abg nakuha naman mula sa crime scene.

Patuloy ang isinasagawang manhunt operation ng mga pulis.




Ghadz Rodelas – EBC Correspondent, Batangas