84 na pulis sa Tanauan City, Batangas, inilipat sa Binangonan, Rizal

TANAUAN CITY, Batangas (Eagle News) – Nasa 90%  ng Tanauan City Police Station sa Batangas ang na-re-assign sa Binangonan Municipal Station sa Rizal simula nitong Lunes, May 15.

Ayon kay Batangas Police Provincial Office Acting Director PSsupt. Randy Peralta, wala pang malinaw na dahilan ng pagkakalipat ng 84 na pulis, na kinabibilangan ng isang opisyal at 83 police officer.

Subalit ito umano ay bahagi pa rin ng pagpapaigting ng kampanya ng pamahalaan hinggil sa kriminalidad at illegal drugs.

Ghadz Rodelas – EBC Correspondent, Batangas