LUCENA City (Eagle News) — Tuwa at galak ang nadama ng dalawang lola sa lungsod ng Lucena dahil nakatanggap sila ng tig-P100,000 mula sa Lucena City Government. Ang dalawang lola–Constancia Abcede at Lourdes Lacerna—ay kabilang sa unang awardees na may 100 taong gulang na nabubuhay pa sa panahon ngayon. Pinangunahan ni Totoy Traqunia, Executive Assistant ng nasabing lungsod, ang pagkakaloob ng nasabing incentives sa dalawang centenarian. Malaki aniyang tulong ito sa mga centenarian sapagkat napaka-dalang na […]
Provincial News
LTO mobile registration, dinagsa sa bayan ng Taytay, Palawan
TAYTAY, Palawan (Eagle News) — Dahil sa tumataas na porsyento ng mga kaso ng pagmamaneho nang walang lisensya at expired registration ng mga sasakyan sa Palawan, nagsagawa ang Land Transportation Office (LTO) ng mobile registration simula nitong Lunes. Ito ay may layuning mailapit sa bawat bayan at mamamayan ang ahensya upang hindi na maging dahilan pa ang kakulangan oras upang mai-parehistro ang kanilang mga lisensya at sasakyan. Dinagsa ng mga kababayang Taytayanos na motorista ang […]
Wesmincom, nangangailangan ng mga bagong sundalo
ZAMBOANGA CITY, Philippines (Eagle News) – Target marecruit ng Philippine Army ang mahigit kumulang na 500 na bagong sundalo sa Mindanao. Nananawagan si Brigadier General Rolando Joselito D. Bautista ng 1st Infantry (Tabak) Division ng Western Mindanao Command sa lahat ng interesado na mag-apply. “Kailangan kayo ng inyong army kaya huwag kayong mag-atubiling mag-apply,” wika ni Bautista. Ang mga maaaring mag-apply ay dapat na maging: Natural-born citizen ng bansa 18 to 26 years old at least 5’0 or 6’0 inches na taas […]
Isang coastal barangay sa Sulu, pinagtulungang linisin upang maging tourist spot
ZAMBOANGA CITY, Philippines (Eagle News) – Nagsanib pwersa ang mga tauhan ng Sulu Task Force at Pamahalaang bayan ng Panlimatahil para linisin ang coastal barangay dito. Ito ay matapos madiskubre ng mga awtoridad na malaki ang potensyal nito para sa mga turista, dayuhan man o Pilipino. Ayon kay Brig. Gen. Cirilito Sobejana, Sulu Task Force Commander, maraming mga lugar sa probinsiya ang kayang paunlarin ng mga Local Government Unit. Kailangan lamang nila ang puspusang suporta o manpower mula […]
Nagpositibo sa HIV sa Palawan, pumalo sa 100
PALAWAN, Philippines (Eagle News) – Kinumpirma ng Department of Health na pumalo na sa 100 ang nagpositibo sa HIV sa lalawigan ng Palawan. Ayon kay, Mimaropa Regional Director Eduardo Janairo, 50% dito ay may edad 25-40 taong gulang, 40% ay 15-24 taong gulang, at ang 10% naman ay nasa 41 anyos pataas. Samantala, iginiit naman nito na hindi ibig sabihin ng datos na tumataas ang HIV cases sa lalawigan. Nangangahulugan aniya ito na marami na sa mga Palaweño ang nagkaroon […]
Bangkay ng lalaki, nakitang palutang-lutang sa karagatan ng Uson, Masbate
USON, Masbate (Eagle News) – Isang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki ang nakitang palutang lutang sa karagatan ng Masbate nitong nakaraan. Ayon sa salaysay ni Brgy. Captain Mateo Bayaga, nakita niya ang biktima na palutang-lutang malapit sa kaniyang baklad sa Brgy. Poblacion, Uson. Agad niya itong ipinaalam sa mga awtoridad. Tinataya ng may edad itong 25-30, may taas na halos 5’3,” naka maong pants, at naka-polo shirt, katamtaman ang pangangatawan at gupit ng buhok, at […]
2 bata, patay sa sunog sa Lipa, Batangas
LIPA, BATANGAS (Eagle News) — Dalawang bata ang namatay nang tupukin ng apoy ang tinatayang nasa sampung bahay sa Lipa, Batangas, nitong nakaraan. Kinilala ang mga biktima na sina Xander, apat na taong gulang, at Divon Lalucis, tatlong taong gulang. Hinihinalang natrap ang magpinsan sa kanilang bahay dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy na nagsimula sa di pa matukoy na bahay sa Barangay Dos, alas 11:40 ng umaga. Ayon sa mga nakasaksi, napakabilis ng pagkalat […]
Nakagan Bridge sa Bontoc, nasira; Mga motorista, naperwisyo
BONTOC, Mountain Province (Eagle News) — Nagdulot ng malaking perwisyo sa maraming motorista ang pagkasira ng Nakagan bridge sa Mountain Province noong Linggo, ika-14 ng Mayo. Nasira ang temporary bridge na dinadaanan ng mga sasakyan at manlalakbay paloob at palabas sa bayan ng Bontoc nang tumaas ang lebel ng tubig ng Sabangan River dahil sa pagbuhos ng malakas na ulan na tumagal ng halos apat na oras. Karamihan sa mga manlalakbay ay naglakad na lamang at maingat na […]
Dalawang mangingisdang nawawala sa Zamboanga Sibugay, natagpuang patay
TUNGAWAN, Zamboanga Sibugay (Eagle News) – Tatlong araw matapos na maiulat ang pagkawala ng dalawang mangingisda ay natagpuan na ang mga ito na wala nang buhay sa baybaying bahagi ng Sitio Tando, Brgy. Looc Labuan, Tungawan, Zamboanga Sibugay. Ayon kay Chief Inspector Chamer Gloria Lacay ng Tungawan PNP, may pito pa na nai-ulat na nawawala. Ang natagpuang patay ay sina Jose Dasillo Bucoy, 37 years old, may-asawa; at Roel Abad Alimpong, 13 years old, kapwa residente […]
84 na pulis sa Tanauan City, Batangas, inilipat sa Binangonan, Rizal
TANAUAN CITY, Batangas (Eagle News) – Nasa 90% ng Tanauan City Police Station sa Batangas ang na-re-assign sa Binangonan Municipal Station sa Rizal simula nitong Lunes, May 15. Ayon kay Batangas Police Provincial Office Acting Director PSsupt. Randy Peralta, wala pang malinaw na dahilan ng pagkakalipat ng 84 na pulis, na kinabibilangan ng isang opisyal at 83 police officer. Subalit ito umano ay bahagi pa rin ng pagpapaigting ng kampanya ng pamahalaan hinggil sa kriminalidad at illegal […]
Dalawang NPA patay, 2 sugatan sa engkwentro sa Zamboanga Sibugay
DIPLAHAN, Zamboanga Sibugay (Eagle News) — Patay ang dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos makipagbarilan sa militar sa Zamboanga Sibugay. Ayon kay Col. Jacinto Bareng, Commanding Officer ng 102nd Brigade ng Armed Forces of the Philippines, sugatan din ang dalawang Civilian Volunteer Officer sa engkwentro sa pagitan nila at ng grupo sa Sitio Malagak, Barangay Guinoman sa Bayan ng Diplahan. Ayon kay Bareng, nagsasagawa lamang ng security operations ang mga miyembro ng 44th Infantry […]
“Krisis” sa kuryente sa Palawan, idinulog na kay Pangulong Rodrigo Duterte
PUERTO PRINCESA, Palawan (Eagle News) – Sumulat na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang mga non-government organization (NGO) at member-consumer ng Palawan Electric Cooperative (PALECO). Ito ay upang iparating ang nararanasang krisis diumano sa kuryente sa lalawigan, na diumano ay may epekto na sa turismo. Kaugnay nito ay hiniling ng mga ito kay Pangulong Duterte na makialam at utusan ang National Power Corporation (NAPOCOR) na dagdagan ang supply ng kuryente. Hiniling din nila na utusan niya ang […]





