Provincial News

Iglesia ni Cristo nagsagawa ng isang Blood Donation Activity

Isang blood donation activity ang isinagawa ng mga kaanib ng Iglesia ni Cristo sa Tabuk City sa lalawigan ng Kalinga. Layunin ng aktibidad na ito na makatulong hindi lamang sa mga kaanib ng Iglesia ni Cristo maging sa mga hindi pa kaanib na nangangailangan. Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng maraming donors na nagmula pa sa iba’t-ibang lokal ng Iglesia ni Cristo sa lalawigan ng Kalinga. (Eagle News Correspondent Liezeil Rueco, Eagle News Service, MRFaith […]

Kaso ng smuggling sa produktong agricultural, ikinababahala

ABRIL 29 — Pinangangambahan ng Samahan ng Industriyang Agrikultura (SINAG) ang posibleng pagkalugi ng mga magsasaka sa bansa dahil sa pagtaas ng kaso ng smuggling sa mga produktong agricultural. Partikular na sa technical smuggling sa karne ng manok at baboy maging ng bigas. Nangangamba rin ang industriya ng agrikultura sa maaring pagkalugi ng mga magsasaka sa bansa dahil sa nakikitang posibilidad na pagtaas ng importation sa sununod na taon na maari pang sabayan ng pagtaas […]

Job Fair at Social Service Day isinagawa sa Cabugao, Ilocos Sur

ABRIL 29 — Sa pangunguna ng Department of Labor and Employment (DOLE), nagsagawa ng isang job fair sa bayan ng Cabugao sa lalawigan ng Ilocos Sur. Kasabay ng aktibidad na ito ay ang pamamahagi ng member data record sa mga PhilHealth beneficiary. Iba’t-ibang kompanya ang nag-alok ng mga trabaho sa nasabing job fair na dinaluhan ng maraming mga kabataan sa pagnanais na makapaghanap ng magandang trabaho. Umabot naman sa halos 5,000 ang naging beneficiary ng […]

Sisterhood ng lalawigan ng Camarines Norte at Davao, naging matagumpay

APRIL 28 — Pinanugunahan ng mga opisyales ng iba’t-ibang Barangay at lokal ng pamahalaan ang paglagda sa isinagawang kasunduan ukol sa pagiging sisterhood ng bayan ng Basud at siyudad ng Davao sa lalawigan ng Camarines Norte. Ang nasabing kasunduan ay upang palawigin ang pagdadamayan at pagpapalitan ng kaalaman sa good governance at best pictures sa pamamahala sa pagitan ng dalawang Local Government Units (LGUs). (Agila Probinsya Correspondent Orlando Encinares, Eagle News Service MRFaith Bonalos)

Serbisyo Tama Caravan isinagawa sa lalawigan ng Laguna

APRIL 28 — Sa pangunguna nina Governor Ramil Hernandez at Vice-governor Karan Agapay ay muling isinagawa ang ika-labing isang Serbisyo Tama Caravan sa lalawigan ng Laguna. Layunin ng programang ito na mailapit sa mga mamamayan ang tulong ng gobyerno kagaya na lamang ng medical at dental service, libreng salamin, libreng gupit at masahe, legal assistance at feeding program. Humigit kumulang sa anim na libong tao ang nabigyan ng iba’t-ibang medical na serbisyo. Nagkaroon din ng […]

Produksyon ng mais sa Aurora, patataasin

APRIL 28 — Nais hikayatin ng Department of Agriculture (DA) ang mga magsasaka sa lalawigan ng Aurora na umayon sa organikong pamamaraan ng pagsasaka alinsunod sa Organic Agriculture Act of 2010 ng Pamahalaan. Kaugnay nito, ay nakikipag-ugnayan ang Office of the Provincial Agriculturist (OPA) sa isang pribadong kumpanya na nagsusulong ng Bio-Nutri Green Procedure. Ang Bio-Nutri Green Procedure ay mayroong hatid na iba’t-ibang teknolohiyang pansakahan gamit ang organikong pamamaraan ay ginagarantiyahan ang mataas na ani […]

Isang bahay sa lalawigan ng Pangasinan, nasunog dahil sa naiwang lutuin

APRIL 28 — Nagulantang ang mga residente ng Tolentino Street, Brgy Palamis, Alaminos City, Pangasinan nang isang malaking usok ang magmula sa isang bahay ng residente na kinilala bilang si Willy Rabanal. Ayon sa ulat, umalis umano sa kanilang tahanan si Rabanal upang mag-grocery at maaring sa pagmamadali nito ay nakalimutan niya ang kaniyang niluluto sa kaniyang kusina. Dahil dito ay muntik ng maging abo ang kaniyang bahay kung hindi lamang maagang naagapan ng isang […]

Inmates sa lalawigan ng Tarlac, muling kinalinga

APRIL 28 — Sa ikalawang pagkakataon ay muling kinalinga ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga inmates ng Tarlac Provincial Jail sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga samut-saring gamut, parachute tent, dalawang TV sets, at iba pa. Ang pagkakaloob ng mga material na bagay ay pinangunahan nina Congressman Henry Cojuangco at Board Member Cristy Angeles, kung saan ay naghain din ng isang panukala sa Kamara ukol sa pagdaragdag ng regional trial court sa nasabing lalawigan. (Agila Probinsya […]

Bayambang Mayor Camacho muling nahaharap sa panibagong kaso

Muli na namang nahaharap sa panibagong kaso sa Ombudsman si Bayambang Mayor Ricardo Camacho dahil umano sa kanyang mga iregularidad. Si Mayor Camacho ay nahaharap ngayon sa panibagong kaso ng anti-graft and corruption practices act at paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees at Malversation of Public Funds sa Ombudsman. Ayon sa mga nagreklamong miyembro ng sangguniang bayan ng Bayambang, hindi dumaan sa public bidding at walang transaction authority […]

Finalists na bumubuo sa TOSP sinalubong sa Bataan

APRIL 28 — Dalawampug magigiting na estudyante na finalists ng Ten Outstanding Students of the Philippines (TOSP) 2015 mula sa tatlong rehiyon at pitong probinsiya ng Central Luzon at mga Alumni mula 2007 hanggang 2014 ang ipinakilala sa ginawang programa na ginanap sa The Plaza Hotel ni Bb. Noorain S. Sabdulla, Program Director ng RFM Corporation. Ang mga finalists ay mula sa mga kolehiyo ng Pampanga, Bulacan, Tarlac at Bataan. Dalawang representatives mula sa Angeles […]

Mga turista walang sawang tinatangkilik ang Magat Dam

ISABELA — Kung nais mong mapalapit sa kalikasan at masdan ang pinagsamang gawa ng tao at ng may likha nito, ang isa sa pinakapaboritong pasyalan dito sa lalawigan ng Isabela ay ang minsa’y tinaguriang Largest Dam in Asia, ang Magat Dam na matatagpuan sa lalawigan ng Isabela. Dinadayo ito hindi lamang ng mga taga ibang bayan at lalawigan kundi maging ng mga taga rito mismo na walang sawang tinatangkilik ang napakagandang lugar na ito. (Agila […]

‘Kalusugan Muna’ proyektong inilunsad sa lalawigan ng Tarlac

PANAMPUNAN, Tarlac — Ang “Kalusugan Muna” ay isa lamang sa mga proyektong inilulunsad ng pamahalaang ng lalawigan ng Tarlac upang kalingain ang mga senior citizens sa nasabing lalawigan. Pinangunahan ng Chairman ng Committee on Health na si Board Member Cristy Angeles ng segundo distrito ang pamimigay ng reading glasses sa mga senior citizens sa Brgy. Panampunan, lungsod ng Tarlac. Nasa bilang na limang daan na senior citizens ang nabiyayaan ng reading glasses. Sa record nasa […]