Programang “Alaga Ka” inilunsad ng PhilHealth sa lalawigan ng Antique

MAYO 8 — Inilunsad ng Philhealth ang programang “Alaga Ka” sa probinsya ng Antique na pinangunahan nina Lhio Chief Junie Sabusap at ni Antique Governor Rhodora J. Cadiao ang pamamahagi ng mga Member Data Records (MDR).

Ang programang Alaga Ka (Alamin at Gamitin ang Serbisyong Pangkalusugan) ay naglalayong mabigyan ng kaalaman ang mga mahihirap na pamilya tungkol sa mga prebilehiyo na nakapailalim sa Philhealth’s Healthcare Program at hinihikayat ang bawat pamilya na i-avail ang mga libreng benepisyong ito.

(Agila Probinsya Correspondent Matt Villegas,Johnny Valenzuela, Eagle News Service MRFaith Bonalos)