Summer Youth Camp, isinagawa ng CSWD sa Dipolog City

Anim na distrito ang nakilahok sa isinagawang Summer Youth Camp ng City Social Welfare Development (CSWD) sa Dipolog City.

Iba’t-ibang aktibidad na pangkabataan ang ginanap at ang layunin ng nasabing programa ay upang hubugin ang katangian at pag-uugali ng mga kabataan.

Layunin rin ng programang ito na higit pang mahubog ng mga kabataan ang pagkakaroon ng kumpiyansa sa sarili, maunawaan ang kalayaang pangkabataan, at higit sa lahat ay mahubog ang mga mabubuting katangian at pag uugali.

(Agila Probinsya Correspondent Aileen Garcia, Eagle News Service MRFaith Bonalos)