Provincial News

Summer Job, Ipinagkaloob sa mga kwalipikadong estudyante

Sinimulan na ang ipinagkaloob na summer job sa mga kwalipikadong estudyante sa probinsya ng Bohol. Ito ay alisunod sa batas na Special Program for the Employment of Students (SPES) ng bansa. Layunin ng programang ito na mabigyan ng pagkakataon na kumita ngayong bakasyon ang mga estudyante upang matustusan ang kanilang pangangailangan sa darating na pasukan. Ang summer job na ito ay aabot sa 25 working days para sa mga estudyante na makatutulong lalo na sa […]

Libreng Medical Service isinagawa ng Iglesia Ni Cristo sa Agusan Del Norte

MAYO 6 — Isang libreng medical service ang isinagawa sa lalawigan ng Agusan Del Norte na ikinatuwa hindi lamang ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo maging ng mga hindi pa kaanib nito. Layunin ng serbisyong ito ang lalong higit na makatulong sa ating mga kababayan hingil sa usaping medical. (Agusan Del Norte) (Agila Probinsya Correspondent Cherendale Jose, Eagle news Service MRFaith Bonalos)

Job Fairs at Multi-Service Caravan isinagawa sa lalawigan ng Zambales

MAYO 6 — Matagumpay na naisagawa ang job fairs at multi-service caravan sa Masinloc Gymnasium sa bayan ng Masinloc, lalawigan ng Zambales bilang bahagi sa pagdiriwang ng Labor Day. Pinilahan ng maraming nagnanais makahanap ng trabaho ang samu’t-saring trabahong hatid ng iba’t-ibang kompanya, mga bakanteng trabaho sa lalawigang ito at sa mga karatig lalawigan maging sa ibang bansa. Naroon din ang ilang representative ng Army Recruitment Office para sa mga mamayang nagnanais na magsilbi sa […]

Clean up drive ng Iglesia Ni Cristo, isinagawa sa lalawigan ng Palawan

Nilahukan ng bayan ng Aborlan, Narra, at Quezon ang isinagawang clean up drive ng Iglesia Ni Cristo sa bayan ng Rizal, Palawan. Layunin ng clean up drive na ito na higit pang lalong mapangalagaan ang ating kalikasan. Kaisa rin sa aktibidad na ito ang Mayor ng nasabing bayan na si Mayor Alrie D. Nobleza. (Agila Probinsya Correspondent Kristine Fabro, Jun Fabro, Marites Arpellida, Eagle News Service MRFaith Bonalos)

Summer Youth Camp, isinagawa ng CSWD sa Dipolog City

Anim na distrito ang nakilahok sa isinagawang Summer Youth Camp ng City Social Welfare Development (CSWD) sa Dipolog City. Iba’t-ibang aktibidad na pangkabataan ang ginanap at ang layunin ng nasabing programa ay upang hubugin ang katangian at pag-uugali ng mga kabataan. Layunin rin ng programang ito na higit pang mahubog ng mga kabataan ang pagkakaroon ng kumpiyansa sa sarili, maunawaan ang kalayaang pangkabataan, at higit sa lahat ay mahubog ang mga mabubuting katangian at pag […]

Mahigit 5000 biktima ng bagyong Yolanda, tumanggap ng Calamity Fund mula sa Gobyerno

Mahigit limang libong pamilya na nasalanta ng bagyong Yolanda sa lalawigan ng Iloilo ang pinagkalooban ng gobyerno ng calamity fund na nagkakahalaga ng 30 thousand pesos. Isinagawa ang pamimigay ng tulong sa mg pamilyang biktima ng bagyong Yolanda sa gym ng Alejo Posadas Memorial Elementary School at dinaluhan ang pagbibigay ng total calamity fund ng Vice Governor ng probinsya ng Iloilo na si Vice Governor Raul “Boboy” Tupas at umabot sa 163,640.000 pesos ang naipamigay […]

Calayo Beach Resort, dinarayo ng mga turista sa lalawigan ng Batangas

MAYO 5 — Isa ang Calayo Beach Resort sa dinarayong lugar ngayong summer vacation na matatagpuan sa lalawigan ng Batangas. Ang Calayo Resort ay isa ngayon sa itinuturing ng lalawigan na malaparaisong lugar na maaring puntuhan ng buong pamilya. Maari ring puntahan sa nasabing lalawigan ang Laiya, Nasugbu, Calaca at Calatagan. (Batangas) (Agila Probinsya Correspondent Avril Diña, Eagle News Service MRFaith Bonalos)

“Little Baguio” sa lalawigan ng Kalinga, patok na destinasyon ngayong Summer Vacation

Patok na destinasyon ngayong summer vacation ang bayan ng Lubuagan sa lalawigan ng Kalinga. Kung saan ang bayang ito ay tinaguriang “Little Baguio” dahil sa malamig na klima nito kahit sa panahon ng tag-init. Isa pang atraksyon ng lugar na ito ay ang nakakarelax na tanawin kabilang na ang rice terraces, mga kabundukang kulay berde dahil sa malalagong mga punong-kahoy, wild orchids, ancestral house at ang General Emilio Aguinaldo Park. Maaari ding pasyalan ang tinaguriang […]

Naic Trade Fair and Exhibit 2015, isinagawa sa lalawigan ng Cavite

“Pagbibigay-sigla sa Kulturang Kinagisnan, Gabay sa Pag-unlad ng Bayan,” ito ang tema ng isinagawang Trade Fair And Exhibit 2015 sa Naic sa lalawigan ng Cavite bilang isa sa mga aktibidad ng 224th Naic Foundation Day. Ang isinagawang aktibidad ay nilahukan rin ng maraming Small Scale Enterprises sa larangan ng pagkain, fashion, beauty products at iba pa. Iba’t-ibang klase naman ng recycled products na gawa ng 4p’s ng DSWD at mga inmates ang ipinakita sa nasabing […]

Agricultural Development Plan sa lalawigan ng Aurora, ipatutupad

MAYO 1 — Nakatakdang ipatupad sa lalawigan ng Aurora ang kauna-unahang development plan na mayroong layuning mapaunlad ang sektor ng agrikultura sa nasabing lalawigan. Kaisa naman ang mga nasa lokal ng pamahalaan at mga mamamayan ng naturang probinsya upang maging madali at mahusay ang magiging implementasyon nito. Inaasahan na mas mapapaunlad pa ang sektor ng agrikultura sa Aurora sa pamamagitan ng pagbalangkas ng isang Agricultural Development Plan. (Agila Probinsya Correspondent Loemar Alcantara, Eagle News Service […]

Ginagawang Fishport sa Camarines Sur inereklamo ng alkalde ng Calabanga

MAYO 1 — Inereklamo ni Mayor Eduardo Severo ng Calabanga Camarines Sur ang nakita nilang mga bitak sa semento sa ginagawang fishport na pinondohan ng Department of Transportation and Communications (DOTC) sa lalawigan ng Camarines Sur. Ito ay matapos ang inspeksyon ginawa ng alkalde bilang tugon sa mga reklamo ng mga residente doon. Sa panayam, binigyang diin ng alkalde na ang proyekto ay pinondohan ng DOTC at ipinarating na nila ang problema sa pamamagitan ng […]

SM Foundation magkakaloob ng pabahay para sa mga biktima ng bagyong Yolanda

Mahigit isang taon ang nakalipas ng nananalasa ang bagyong Yolanda sa Pilipinas at isa ang probinsya ng Iloilo sa bahaging norte ang sinalanta ng nasabing bagyo. Maraming mga kababayan natin ang nawalan ng kabuhayan at tahanan bunga ng hagupit ng bagyong Yolanda. Ngunit nabiyayaan ng pabahay ang bayan ng Concepcion sa lalawigan ng Iloilo na kasalukuyang ipinapatayo ng SM Foundation sa barangay Bakhawan Concepcion. May lawak na isang hektarya at 200 units na semi duplex […]