Sports Program para sa mga kabataan, muling inilunsad sa Ilocos Sur

Isang sports program ang inilunsad para sa mga kabataan sa lalawigan ng Ilocos Sur na mayroong layuning patuloy na mahasa ang mga kabataan sa larangan ng pampalakasan at mailayo sa anomang bisyo.

Ito ay isinagawa sa Cabugao Gymnasium na pinangunahan nina Cong. Ronald Singson at Gov. Ryan Singson kasama ang mga Mayor sa unang distrito ng nasabing probinsya.

Ang tema ng nasabing palaro ay “Victory is the goal, Determination gets you there”. Layunin rin nito na lalo pang malinang ang talento ng mga kabataan sa sports at magkaroon ng determinasyon sa buhay.

(Agila Probinsya Correspondent Nelsan Mendoza, Eagle News Service MRFaith Bonalos, Jericho Morales)