Career Orientation, Isinagawa sa Quezon Province

Maraming bilang ng mga nagsipagtapos ng kolehiyo at high school kasama ang kanilang mga mgaulang ang dumalo sa isinagawang career orientation na isang proyekto ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo para sa mga bagong nagsipagtapos ng kolehiyo at high school dito sa bayan ng Catanauan, Quezon, isinagawa ito sa Eyn`s Restaurant.

Layunin nito na magabayan ang mga kabataan sa maayos na pagtatrabaho ayon sa kursong kanilang napili para sa ikapagkakaroon ng maayos at magandang kinabukasan.

(Agila Probinsya Correspondent Rico Ubana, Eagle News Service MRFaith Bonalos, Jericho Morales)