Higit 200 bagong kaso ng HIV-AIDS, naitala sa Pangasinan

Patuloy ang ginagawang kampanya ng Region 1 Medical Center upang mas lalo pang mapaunlad ang kamalayan ng publiko hinggil sa sakit na HIV-AIDS. Ito’y kasunod na rin ng pagkakaroon ng higit dalawandaang bagong kaso ng nakahahawang sakit sa lalawigan ng Pangasinan.

Kaugnay ng kampanyang ito ay ang pagsasagawa ng memorial candle lighting. Ayon kay Dr. Rico Reyes, Head ng Medical Department ng R1MC, layon ng isinagawang Candlelighting na matawagan ng atensyon ang publiko upang maiwasan ang nakakahawang sakit na HIV-AIDS.

(Agila Probinsya Correspondent Nora Dominguez, Eagle News Service Jericho Morales, MRFaith Bonalos)