Walang Langit Falls sa Oriental Mindoro, dinarayo

Atraksyon ngayon sa bayan ng Gloria, lalawigan ng Oriental Mindoro ang Walang Langit Falls, na kung saan patok ito sa mga mahilig sa adventure dahil sa kakaibang scenery nito na tunay ngang nakakarelax.

Ang Walang Langit Falls ay mayroong magandang talon na natatago sa mayayabong na mga puno at tanging sinag lamang ng araw ang tumatagos kung kaya naman tinawag itong Walang Langit Falls.