Job Fairs at Multi-Service Caravan isinagawa sa lalawigan ng Zambales

MAYO 6 — Matagumpay na naisagawa ang job fairs at multi-service caravan sa Masinloc Gymnasium sa bayan ng Masinloc, lalawigan ng Zambales bilang bahagi sa pagdiriwang ng Labor Day.

Pinilahan ng maraming nagnanais makahanap ng trabaho ang samu’t-saring trabahong hatid ng iba’t-ibang kompanya, mga bakanteng trabaho sa lalawigang ito at sa mga karatig lalawigan maging sa ibang bansa.

Naroon din ang ilang representative ng Army Recruitment Office para sa mga mamayang nagnanais na magsilbi sa bansa na makatutugon sa hinihingi nilang mga pamantayan. (Masinloc, Zambales)

(Agila Probinsya Correspondent Cheredale Jose, Eagle News Service MRFaith Bonalos)