Mass Training Seminar para sa K-to-12 Program isinagawa sa Ilocos Norte

MAYO 8 — Nagsagawa ang Department of Education (DepEd) ng isang Mass Training Seminar para sa mga Guro ng Grade 10 sa lalawigan ng Ilocos Norte upang lubos pang lalong mapaghandaan ang pagsisimula ng K-to-12 Basic Education Program.

Ang seminar na ito ay nagsimula noong Abril 29 na inaasahang matatapos sa Mayo 16. Ito ay isinasagawa sa Mariano Marcos State University ng Laoag City at inaasahang lalahukan ng lahat ng secondary teachers ng tatlong school divisions na bumubuo sa probisya ng Ilocos Norte.

(Agila Probinsya Correspondent Weller Reyes, Eagle News Service MRFaith Bonalos)