Summer Job, Ipinagkaloob sa mga kwalipikadong estudyante

Sinimulan na ang ipinagkaloob na summer job sa mga kwalipikadong estudyante sa probinsya ng Bohol. Ito ay alisunod sa batas na Special Program for the Employment of Students (SPES) ng bansa.

Layunin ng programang ito na mabigyan ng pagkakataon na kumita ngayong bakasyon ang mga estudyante upang matustusan ang kanilang pangangailangan sa darating na pasukan.

Ang summer job na ito ay aabot sa 25 working days para sa mga estudyante na makatutulong lalo na sa mga mahihirap na pamilya o sapat lamang ang kinikita. (Bohol)

(Agila Probinsya Correspondent Angie Valmores, Eagle News Service MRFaith Bonalos)