Daet, Camarines Norte – Isang bagong Dental Health Bus ang ipinagkaloob ng Department of Health (DOH) sa pamahalaang panlalawigan ng Camarines Norte bilang pagsasakatuparan sa layunin nito na maihatid sa iba’t-ibang lugar sa lalawigan ang dental service ng Provincial Health Office (PHO). Sa isinagawang regular na flag-raising ceremony sa kapitolyo ng probinsiya nitong Hunyo 6, 2016 ay pormal na tinanggap ni Acting Provincial Health Officer Dr. Myrna Rojas ang nasabing mobile dental clinic at matapos […]
Provincial News
Aklan, Piña Fiber Capital of the Philippines
Ang probinsya ng Aklan ay kilala bilang Piña Fiber Capital of the Philippines. Sa katunayan ang Aklan ang siyang pinakamalaking producer at sentro ng industriya ng piña fiber and cloth ng bansa. Isa ang Culdora Piña Cloth sa pangunahing supplier at producer ng piña cloth sa probinsya ng Aklan. Ang Culdora Pinya Cloth ay matatagpuan sa Brgy. Old Buswang, Bayan ng Kalibo. Ito ay pagmamay-ari ng mag-asawang Randy at Marianne Culdora. Ayon kay Randy, nagsimula […]
Bagong barangay chapel ng Iglesia Ni Cristo sa Laguna, pinasinayaan
Pinasinayaan ang isang bagong barangay chapel ng Iglesia Ni Cristo (INC) na nasa bayan ng Magdalena, Laguna na nasasakupan ng ecclesiastical district ng Laguna East. Pinangunahan ito ng district supervising minister na si kapatid na Arnel M. Nacua na kung saan ay ipinahayag niyang ito ay isa nang bukod na lokal na tinawag na lokal ng Cabanbanan. Ito ang ikalawang karagdagang lokal sa distrito ng Laguna East mula nang ito ay maitatag na bukod na distrito […]
DENR positibong maaari pang dumami ang Philippine eagle sa bansa
Nabuhayan ng pag-asa ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na maaari pang dumami ang agila o Philippine eagle sa Sierra Madre Region. Ito ay makaraang ma-i-turn over sa ahensya ang batang agila na nailigtas ng isang magsasaka sa bayan ng dingalan sa Aurora province. Ayon kay Theresa Mundita Lim, Direktor ng DENR Biodiversity Management Bureau o BMB ang batang agila ang palatandaan na mayroong mga agila sa Sierra Madre Region na maaaring magparami. […]
Eagle Broadcasting Corporation (EBC) Workshop Culminating Activity, payapang naisagawa
Masayang nagsipagtapos ang mga EBC Correspondents mula sa Distrito ng Quezon City kahapon, June 6, 2016 sa isinagawang Eagle Broadcasting Corporation (EBC) Workshop Culminating Activity sa EBC Main Building. Ang nasabing Culminating Activity ay kinapapalooban ng DJ Jockeying, Script Writing and Directing, TV Hosting and Acting presentations. Bago tuluyang matapos ang Culminating Activity ay nagkaroon ng Distributions of Certificates para sa mga nagsipagtapos na pinangunahan ng mga mentors sa bawat Workshop Category.
Korean nationals nangunguna sa listahan ng mga dayuhang turista na bumisita sa Boracay
BORACAY, Philippines — Patuloy na nangunguna ang mga Korean national sa listahan ng mga dayuhang turista na bumisita sa isla ng Boracay hanggang nitong Mayo.
DepEd Guidelines para sa nalalapit na pasukan
Kasabay ng nalalapit na pasukan ngayong darating na Lunes muling nagpaaalala ang Department of Education sa pinaiiral na No Collection Policy sa mga nasa pampublikong paaralan, maliban sa ilang kontribusyon na boluntaryo lamang ipatutupad.
Mining Policy ni Duterte, pabor sa Indigenous People – LP Solon
TINITIYAK ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat na kaisa siya ni president-elect Rodrigo Duterte sa patakaran nito laban sa pagmimina sa bansa. Kasunod ng pahayag ni Duterte na isa sa tututukan niya ang mining ndustry upang mapatino at mawala na ang mga kompanyang sumisira sa kalikasan, sinabi ni Baguilat na panahon na para magkaroon ng political will sa pagpapatupad ng mas mahigpit na regulasyon sa pagmimina na pumapatag ng kabundukan, nagdudulot ng polusyon sa mga ilog at nagpapalayas sa […]
Bangkay ng 1 sa 3 taong natangay ng agos mula sa isang resort sa Laguna, natagpuan
MAJAYJAY, Laguna (Eagle News) — Natagpuan na ng mga awtoridad ang isa sa mga tatlong nawawala mula sa isang resort dito sa Majayjay, Laguna nitong Lunes, Hunyo 6. Nakita ang bangkay ng anim na taong gulang na si Christine Altea Alimania na residente ng Katapatan, Cabuyao, Laguna. Dalawa pa sa kanyang mga kasamahan na sina Vanessa Carillo Villar, 33 taong gulang, residente ng Guevara St. Dasmariñas Cavite at Bryan Alimania, 34 taong gulang ang pinaghahanap […]
Iglesia ni Cristo leads Blood Donation Drive in Bulacan
(Eagle News) BULACAN, Philippines – The Iglesia ni Cristo led a blood donation drive in two locations in Bulacan, at the Baliuag Gymnasium and at the San Ildefonso Gymnasium. The National Kidney and Transplant Institute and the Philippine Blood Center assisted the INC Social Services Department to bring this project to fruition. It was still early in the morning yet Iglesia ni Cristo members, with the ministers and their families, were already lining up in the venues to […]
Clean-Up Drive isinagawa ng mga miyembro sa Iglesia Ni Cristo sa Parañaque City
Nagsagawa nito lamang Linggo, Hunyo 5, 2016 ng clean-up drive ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa East Service Road ng Brgy. San Martin de Porres at FTI Arca South Circle, Paranaque, City. Nasa 200 na mga kaanib nito ang nakipagkaisa para sa naturang aktibidad. Bago isagawa ang aktibidad ay nakipag-coordinate muna ang mga pamunuan ng INC sa Barangay Kapitan na nakasasakop sa mga lugar na lilinisin na si Kapitan Mithor Singson. Nagpadala […]
Dalawang barangay chapel ng Iglesia Ni Cristo pinasinayaan sa North Cotabato
SA loob ng isang linggo ay dalawang barangay chapel ang pinasinayaan at naisagawa ang mga unang pagsamba sa Panginoong Diyos ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng north Cotabato. Noong Miyerkules, Hunyo 1, 2016 ay idinaos ang unang pagsamba ng mga kaanib ng INC sa Banayal Extension, 5:00 ng hapon. Halos 12 kilometro ang layo nito sa lokal ng La Esperanza, sa Tulunan, North Cotabato, na siyang mother lokal sa nasabing lalawigan. Ang […]