Dalawang anak ni incoming President Rody Duterte, Nanumpa na

Davao City, Philippines —  Nanumpa na bilang Mayor ng Davao City si Inday Sara Duterte-Carpio nitong Lunes, June 20, 2016, 9:00 ng umaga kay Judge Emmanuel Carpio sa RTC Branch 16. Habang si Paolo Z. Duterte naman ay nanumpa na rin bilang Vice Mayor ng Davao City sa harap ni Judge Rufino Ferraris, Jr. ng Regional Trial Court (RTC) Branch 7.
Matapos ang nasabing panunumpa, nagpaabot din ng pasasalamat si Vice Mayor Paolo Duterte kay Judge Carpio at Judge Ferraris at ganon din sa lahat ng Dabawenyo sa pamamagitan ng kaniyang official Facebook Page.

Kasama ring pinasalamatan ang mga Dabawenyo dahil sa patuloy na pagsuporta at sa mga naniniwala sa kakayanan nila ni Mayor Inday Sara Duterte na pangunahan ang Lungsod ng Davao. Nagpaabot din ng mga pagbati ang supporters sa buong pamilya ng Duterte.

Napag-alaman na kompletong dadalo sa inauguration ni incoming President Rodrigo Duterte sa June 30, 2016 ang pamilya ng Duterte.

(Eagle News, Haydee Jipolan – Davao City Correspondent)

Photo Courtesy of Vice Mayor Pulong Duterte – Official Facebook Account

851423930_94577_16331033168014172283

851422559_94554_15470717645086939013

851419729_93642_10758513641987047217

851419162_93964_9628947614523621884