Provincial News

DTI Negosyo Center inilunsad sa Kalinga

KALINGA, Apayao — Isinagawa ng Department of Trade and Industry  (DTI) Kalinga ang Launching ng Negosyo Center, nitong Miyerkules, June 22, 2016. Dinaluhan ito ng iba’t-ibang kinatawan ng mga kooperatiba sa lalawigan ng Kalinga maging ng ibang mga Business Owners.  Inimbitahan din sa nasabing launching ang Media kabilang na ang Eagle News Team at sila ay nabigyan ng pagkakataong makapagtanong. Ang Negosyo Center ay isang “one-stop-shop” ng mga serbisyong pamahalaan upang mapaunlad ang mga maliliit na negosyante […]

Mga kaanib ng Iglesia ni Cristo, naghahanda para sa Lingap-Pamamahayag ngayong araw sa Cuneta Astrodome

MANILA, Philippines — Kamakailan lamang ay nagsagawa ng Lingap-Pamamahayag ang mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa Philippine Arena at sa iba’t-ibang dako ng ating bansa. At ngayong araw, Hunyo 24  ay muling magsasagawa ng Lingap-Pamamahayag ang INC na isasagawa sa Cuneta Astrodome. Layunin nito na matulungan ang ating mga kababayan na mabigyan ng Lingap at higit sa lahat ay makapakinig ng mga aral ng Diyos. Ilang araw rin ang ginawang paghahanda ng mga kaanib ng Iglesia […]

Federalism Forum 2016 sa Zambales, isinagawa sa kauna-unahang pagkakataon

IBA, Zambales — Isinagawa sa kauna-unahang pagkakataon sa lalawigan ng Zambales ang Federalism Forum 2016. Ginanap ito sa Ramon Magsaysay Technological University o RMTU sa bayan ng Iba, Zambales. Naging panauhing pandangal ang dating Senate President Aquilino “Nene” Pimentel, Jr., upang talakayin ang temang ‘The Philippine Government in Trasition to Federalism Progress Trough Self-sustainability and Regional Empowerment’. Inilahad ni Pimentel sa harap ng mga guro, mag-aaral, magulang, at iba’t-ibang organisasyon ang kagandahan umano ng federalismo ng bansa at […]

Bagong barangay chapel ng Iglesia Ni Cristo sa San Nicolas, Pangasinan pinasinayaan

Matagumpay na pinasinayaan ang isang bagong tayong barangay chapel  ng Iglesia ni Cristo(INC) sa Brgy. San Roque, San Nicolas, Pangasinan na pinangunahan ng Supervising Minister na si Brother Nelson H. Mañebog. Ang kapilya ng barangay San Roque ay may apat na kilometro ang layo mula sa kapilya ng bayan ng San Nicolas. Ayon sa mga residente sa lugar na ito, masayang-masaya sila dahil nagkaroon  sila ng bukod na mapagsasambahan na malapit lang sa kanilang tirahan. […]

Dental Health Bus, aarangkada na sa San Jose City, Nueva Ecija

San Jose City, Nueva Ecija — Tumanggap ng Dental Health Bus mula sa Department of Health (DOH) ang San Jose City sa lalawigan ng Nueva Ecija. Ayon sa Public Information Office, isa ang Lungsod sa 100 na Bayan sa buong Pilipinas ang nagkapalad na napagkalooban nito. Isinagawa ang ribbon cutting ceremony sa pangunguna ni Mayor Marivic Belena at inagurasyon na rin ng naturang bus kasama ang mga empleyado sa bakuran ng Pamahalaang Lungsod. Ang Dental […]

Pinakamatandang lokal ng Iglesia Ni Cristo sa Pangasinan nagdiwang ng ika-82 anibersaryo ng pagkakatatag

Masaya at matagumpay ang isinagawang pagdiriwang ng ika-82 taong anibersaryo ng Iglesia Ni Cristo sa bayan ng Rosales, Pangasinan. Naitatag ito noong Hunyo 12, 1934 ang pinakamatandang lokal ng Iglesia Ni Cristo sa buong lalawigan ng Pangasinan. Isang linggo itong ipinagdiwang ng mga kaanib sa pamamagitan ng ilang aktibidad na pinangunahan ng Ministrong nakatalaga sa nasabing lokal na si Bro. Larry Albarillo. Ang ilan sa kanilang mga naging aktibidad ay ang mga sumusunod; Pagpupulong ng […]

Bagong barangay chapel ng Iglesia Ni Cristo sa Lalawigan ng Apayao, Pinasinayaan

CONNER, Apayao —  Pinasinayaan na ang bagong barangay chapel sa Buluan, Conner, Apayao. Nasa 19 kilometro ang layo nito mula sa pinakamalapit na lokal ng Iglesia ni Cristo (lokal ng Mungo, sa Distrito ng Cagayan South) na siyang pangunahing nagmalasakit para makarating ang INC sa dakong ito. Ang nasabing Barangay Chapel ay pangatlo na sa mga napasinayaan sa taong ito sa distrito ng Cagayan South. Labis naman ang naging kagalakan ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo […]