Mga bagong mini-sub Mobile Police Stations ipinakalat sa Biñan, Laguna

Bilang bahagi ng pinaigting na kampanya kontra sa krimen, nagpakalat ng mga mini-sub Mobile Police Stations sa lungsod ng Biñan, Laguna. Ang mga nasabing sub-station ay mayroong sariling CCTV monitoring devices para sa mas mabilis na pagresponde.