Lingap-Pamamahayag, isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo sa lalawigan ng Biliran

MARIRIPI, Biliran (Eagle News) — Nagsagawa ng Lingap-Pamamahayag ang mga kaanib ng Iglesia ni Crsito (INC) sa Bayan ng Mariripi, lalawigan ng Biliran noong lunes, July 5, 2016.

Bago ang nakatakdang oras ng aktibidad ng mga kaanib ng INC ay maagang gumayak ang mga miyembro nito upang ayusin ang dako ng pagdarausan ng nasabing aktibidad. Hindi nila alintana ang panganib na maaring maranasan habang sila ay naglalakbay dahil tawid-dagat ang kanilang pupuntahan.

Para sa mga kaanib ng INC ay walang makahahadlang sa kanila upang tumulong sa ating  mga kababayan. Masaya sila na makatulong sa kapwa tao sa dala nilang goody bags pero mas mahalaga pa sa material na bagay ang kanilang iniaalok dahil sa pagkakataong ito ay ipapamahagi din nila ang kanilang pananampalataya na maghahatid din sa tao tungo sa kaligtasan.

Masaya naman ang naging tugon ng mga panauhing dumalo sa nasabing aktibidad dahil kahit malayo sila at nasa isla pa ay pinuntahan sila ng mga kaanib ng Iglesia ni Cristo para tulungan at nalaman din nila ang kahalagahan ng paglilingkod sa Diyos.

Ang iba sa mga naging panauhin ay nagpasyang magtatuloy sa pakikinig ng mga aral o doktrina na sinasampalatayanan ng INC.

(Eagle News Alyza Mae Apsay – Mariripi, Biliran Correspondent)

851411569_113398_8611711771841272598

851411974_114227_10592802055866923948

851418240_114637_16219064554382695994

851418291_113971_11767093602410476578

851422126_114183_667281955373551678

851423689_114584_5786809657814192571

851423879_113372_285238917273369467

851423882_114377_2800024059635930902

IMG20160704182747_770830880263372993

IMG20160704182802_770830880263372986

IMG20160704184007_770830880263372975

IMG20160704190336_770830880263372995

IMG20160704190339_770830880263372973

IMG20160704191404_770830880263372978

IMG20160704192210_770830880263372981