Provincial News

Mga empleyado ng isang Pharmaceutical Company sa Quezon City nakiisa sa ginawang Metro Manila Earthquake Drill

QUEZON City, Philippines — Muling nakipagkaisa ang mga empleyado ng isang Pharmaceutical Company sa Quezon City sa ginawang Metro Manila Earthquake Drill ngayong araw, Hunyo 22 bilang paghahanda sa tinatawag na “The Big One”. Duck, cover at hold on ang unang ginawa ng mga empleyado upang protektahan ang kanilang mga sarili sa maaaring tumama sa kanila. Pagkarinig ng Fire Alarm agad na nagtago ang mga empleyado sa kani-kanilang mesa at pagkaraan ng ilang minuto ay […]

Iglesia Ni Cristo, nagkaloob ng serbisyo-medical sa mga Ministro at kanilang pamilya sa Marinduque

MARINDUQUE, Philippines — Isinagawa ang isang medical check-up para sa mga ministro at evangelical workers kasama ang kanilang pamilya  sa lalawigan ng Marinduque. Ang tulong medical na ito ay ipinagkaloob ng Executive Minister ng Iglesia ni Cristo na si Bro. Eduardo V.Manalo sa kanila upang mabantayan at maingatan nila ang kanilang kalusugan. Pinangunahan naman ni Dra. Ruby Andoque, isang  Volunteer Doctor ng SSO ang aktibidad  na ito. Namigay pa ng mga libreng gamot at mga […]

150 panauhin lamang para sa Inagurasyon ni Incoming Pres. Duterte

DAVAO CITY (Eagle News) —   Pinal nang ipinahayag ng kampo ni incoming President Rodrigo Duterte ang pagkakaroon niya ng 150 lamang na panauhin na dadalo sa inagurasyon nito ngayong Hunyo 30, 2016.  Si Duterte ang ika-16 na Pangulo ng Bansa. Ayon kay Presidential Special Assistant Christopher Bong Go, ang desisyon ng President-elect ay magsagawa lamang ng simple at hindi magastos na inagurasyon.  Limitado lamang umano ang lugar kung kaya’t humingi sila ng paumanhin sa mga […]

Clean-up drive isinagawa ng Iglesia Ni Cristo kasama ang Barangay Officials sa San Pascual, Masbate

    SAN PASCUAL , Masabate — Dahil sa lumalaganap na mga sakit na dulot ng maruming kapaligiran, nagsagawa ng clean- up- drive ang mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa barangay San Pedro sa bayan ng San Pascual probinsiya ng Masbate. Sumama sa gawaing ito hindi lamang ang mga miyembro ng INC kundi maging ang mga opisyal ng nasabing barangay para mapanatili ang kalinisan at makaiwas sa anumang mga sakit  ang mga residente […]

9-hour power interruption mararanasan sa bayan ng Jaen, Nueva Ecija sa Miyerkules

Nueva Ecija, Philippines — Ipinanababatid ng pangasiwaan ng Nueva Ecija 1 Electric Cooperative Incorporated (NEECO1) na magkakaroon ng pansamantalang power interruption sa lahat ng mga barangay sa bayan ng Jaen maliban sa Brgy. Niyugan sa araw ng Miyerkules, June 22. Magsisimula ang nasabing power interuption sa ganap na ika-8:30 ng umaga hanggang ika 6:00 ng gabi. Ang mga b aranggay na apektado ay ang mga sumusunod: Portion of San Vicente Brgy. Putlod, Sitio Malaiba Brgy. Lambakin […]

Dalawang anak ni incoming President Rody Duterte, Nanumpa na

Davao City, Philippines —  Nanumpa na bilang Mayor ng Davao City si Inday Sara Duterte-Carpio nitong Lunes, June 20, 2016, 9:00 ng umaga kay Judge Emmanuel Carpio sa RTC Branch 16. Habang si Paolo Z. Duterte naman ay nanumpa na rin bilang Vice Mayor ng Davao City sa harap ni Judge Rufino Ferraris, Jr. ng Regional Trial Court (RTC) Branch 7. Matapos ang nasabing panunumpa, nagpaabot din ng pasasalamat si Vice Mayor Paolo Duterte kay Judge […]

Gas tanker bumaliktad, sumabog

Padre Burgos, Quezon (Eagle News) — Isang gas tanker ang sumabog pagkatapos na bumaliktad sa isang heavy curve sa bayan ng Padre Burgos, lalawigan ng Quezon. Ayon kay Boy Magpantay, may-ari ng bahay na malapit sa pinangyarihan ng insidente, isang malakas na pagsabog ang kanyang narinig humigit ng bandang 4:30 ng umaga ng Biernes, June 17.  Halos umabot diumano sa kaniyang bahay ang tindi ng init na resulta ng malakas na apoy mula sa nasusunog na […]

PNP-Mariveles namahagi ng flyers upang masugpo ang Motornapping

MARIVELES, Bataan — Naging epektibo ang kampanya at isinagawang pamimigay ng flyers ng Philippine National Police-Mariveles sa publiko laban sa motornapping o laganap na nakawan ng motorsiklo. Naging epektibo ito hindi lamang sa bayan ng Mariveles kundi maging sa buong lalawigan ng Bataan ng maaresto ang dalawang suspek ng pinagsanib na puwersa ng PNP Mariveles, Provincial Highway Patrol Team ng Bataan at mga concerned citizen. Kinilala ni P/Supt. Cris Conde ang mga suspek na sina Jover […]

President-elect Rodrigo Duterte, nakiramay sa pamilya ng yumaong Cong. Tet Garcia

Personal na nakiramay si incoming President Rodrigo Duterte sa pamilya at mga kaanak na naulila ni yumaong Congressman Enrique “Tet” Garcia, Jr., sa lalawigan ng Bataan. Kinausap ni Duterte ang maybahay ng yumaong kongresista na si Ginang Vicky Garcia at si Governor Abet Garcia. Halos 30 minuto din na nagtagal si Duterte sa ikalawang araw na Burol ng nasabing kongresista. Nakatakda namang ilibing ang kongresista sa darating na Linggo, Hunyo 19, 2016, 1:00 ng hapon sa Eternal […]

Blood  Donor Recruitment  at Mobile Blood Donation ng PNRC, isinagawa sa Urdaneta City

Nagsagawa ng blood donor recruitment at mobile blood donation ang Philippine National Red Cross o PNRC Urdaneta City Chapter kaugnay sa pagdiriwang ng World Blood Donor Day na may temang “Share Life Give Blood” sa isang kilalang mall sa Urdaneta City, Pangasinan. Ayon kay Urdaneta City Branch Coordinator ng Philippine National Red Cross  Honeylete Noe, anim na school sa eastern Pangasinan ang naging donor sa nasabing aktibidad. Ito ay ang Lapalu Elementary School, Salpad Elementary School, Cabuluan […]