Fun Run at Fun Games Activity isinagawa ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Bataan

BATAAN (Eagle New) —  Nagsagawa ng Fun Run Activity ang mga miyembro ng Iglesia ni Cristo sa Distrito ng Bataan. Pinangunahan ito ng kanilang District Supervising Minister na si Bro. Manuel Soriano, Jr., kasama ang mga ministro at mga kaanib sa iba’t-ibang lokal ng Bataan.

Inumpisahan sa kahabaan ng EGSA o Four Lanes sa siyudad ng Balanga hanggang sa Bataan Peoples Center sa Capitol Compound. Pagkatapos ng ginawang pagtakbo ay nagformation na para sa isasagawang Zumba exercise. Sinundan na ito ng iba’t ibang Fun Games.

Layunin ng aktibidad na makakatulong ng malaki sa kalusugan at maging physically fit ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa nasabing lalawigan. Higit sa lahat maipapakita ang pagkakaisa ng mga kaanib ng Iglesai ni Cristo sa lahat ng mga aktibidad.

(Eagle News Josie Martinez – Bataan Correspondent)

pic 1

pic 2

pic 3

pic 4

pic 5

pic 6

pic 7