Clean-up drive isinagawa ng Iglesia Ni Cristo kasama ang Barangay Officials sa San Pascual, Masbate

 

IMG_1749 - Copy

 

SAN PASCUAL , Masabate — Dahil sa lumalaganap na mga sakit na dulot ng maruming kapaligiran, nagsagawa ng clean- up- drive ang mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa barangay San Pedro sa bayan ng San Pascual probinsiya ng Masbate.

Sumama sa gawaing ito hindi lamang ang mga miyembro ng INC kundi maging ang mga opisyal ng nasabing barangay para mapanatili ang kalinisan at makaiwas sa anumang mga sakit  ang mga residente sa lugar na ito.

Sa kahabaan ng kalsadang ito ng nasabing barangay, ginawa ang paglilinis at kasama din sa mga nilinisan ay ang mga paaralan ng Elementarya at Sekondarya ng San Pedro .

Natuwa naman ang mga residente ng barangay dahil sa ginawang pangunguna ng mga kaanib ng INC sa paglilinis ng kanilang lugar.