Mga empleyado ng isang Pharmaceutical Company sa Quezon City nakiisa sa ginawang Metro Manila Earthquake Drill

QUEZON City, Philippines — Muling nakipagkaisa ang mga empleyado ng isang Pharmaceutical Company sa Quezon City sa ginawang Metro Manila Earthquake Drill ngayong araw, Hunyo 22 bilang paghahanda sa tinatawag na “The Big One”.

Duck, cover at hold on ang unang ginawa ng mga empleyado upang protektahan ang kanilang mga sarili sa maaaring tumama sa kanila.

Pagkarinig ng Fire Alarm agad na nagtago ang mga empleyado sa kani-kanilang mesa at pagkaraan ng ilang minuto ay sabay-sabay na lumabas sa kanilang tanggapan, ang iba ay dumaan sa Fire Exit at ang mga iba ay sa mga hagdan ng gusali.

At pagkalabas sa opisina ay nag-ipon-ipon sila sa isang lugar na malayo sa mga poste ng kuryente at matataas na building na maaaring mabagsakan sila. Correspondent: Eric Nival-Holy Spirit, Q.C.