9-hour power interruption mararanasan sa bayan ng Jaen, Nueva Ecija sa Miyerkules

Nueva Ecija, Philippines — Ipinanababatid ng pangasiwaan ng Nueva Ecija 1 Electric Cooperative Incorporated (NEECO1) na magkakaroon ng pansamantalang power interruption sa lahat ng mga barangay sa bayan ng Jaen maliban sa Brgy. Niyugan sa araw ng Miyerkules, June 22. Magsisimula ang nasabing power interuption sa ganap na ika-8:30 ng umaga hanggang ika 6:00 ng gabi.

Ang mga b

aranggay na apektado ay ang mga sumusunod:

  • Portion of San Vicente
  • Brgy. Putlod,
  • Sitio Malaiba
  • Brgy. Lambakin
  • Brgy. Pitak-Ulanin
  • Brgy. Hilera
  • Brgy. Calabasa
  • Brgy. Pakul
  • Brgy. Pamacpacan
  • Brgy. Marawa
  • Brgy. Imbunia
  • Brgy. Sta Rita

Ang dahilan ng nasabing power interruption ay upang bigyang daan ang pagsasaayos ng linya ng kuryente sa Poblacion, San Vicente hanggang Sta Rita, Jaen.

Kaya naman ipinapaalala ng panagsiwaan ng NEECO1 na kung may mga mahahalagang gawain na nangangailangan ng kuryente sa araw na iyon ay mas mainam na matapos ng maaga.

b764a411-e02e-4561-b2ed-5a9285a476ae