Provincial News

Story Telling at Feeding Program para mga bata isinagawa ng Iglesia Ni Cristo sa Infanta, Quezon

INFANTA, Quezon (Eagle News) — Walang pagsidlan ang katuwaan ng halos 400 mga bata na may edad na 2-8 taong gulang kasama ang kanilang mga ina sa isinagawang Feeding Program ng Iglesia Ni Cristo sa Infanta, Quezon. Pinangunahan ito ni Bro. Isaias Hipolito, District Supervising Minister ng Quezon North kasama ang mga manistro ng INC, asawa ng mga minstro, at mga miyembro ng INC sa bayan ng Infanta. Masaya na, nabusog pa ang mga bata […]

Mga negosyante nagpapasaklolo sa madalas na brownout sa Boracay

BORACAY, Philippines (Eagle News) — Nagpapasaklolo na sa national government ang Philippine Chamber of Commerce and Industry para solusyunan ang araw-araw na brownout sa isla ng Boracay. Sinabi ni PCCI Corporate Secretary Elena Blugger na nagpadala na sila ng sulat kay Pangulong Rodrigo R. Duterte dahil malaki na ang epekto nito sa mga establisyemento sa isla. Ang isla ng Boracay ang itinuturing na gateway ng industriya ng turismo sa aklan. Ayon kay Blugger, dapat nang […]

Presyo ng mga bilihin sa Bislig City, Surigao del Sur, nanatiling “stable”

Bislig City, Surigao del Sur (Eagle News) – Tiniyak ng Department of Trade and Industry ng Bislig City na walang pagbabago sa presyo sa mga bilihin sa Lokal Market ng Bislig City. Batay ito sa isinagawa nilang price monitoring nitong buwan ng Setyembre kasabay ng implementasyon ng State of National Emergency ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Teresita Subibi ng DTI Bislig, sumunod naman ang mga negosyante sa ipinatupad na price freeze maliban lang sa mga prime […]

Dahil sa patuloy na pag-ulan, pagbaha nararanasan na sa Bataan

BATAAN (Eagle News) – Nakararanas na ng baha ang Barangay Almacen, Hermosa, Bataan dahil sa magdamag na pag-ulan na sinabayan pa ng high tide. Sa kasalukuyan ay umabot na sa tuhod ang tubig. Bagamat ang pagtaas ng tubig ay karaniwan na sa mga nakatira sa Brgy. Almacen dahil sa ito ay pinakamababang lugar sa  Bayan ng Hermosa. Patuloy namang nakaalerto ang Pamahalaang Lokal sa anumang maaring maging pinsala ng ulan sa nasabing barangay. Sa bayan […]

Power interruption advisory: Para sa ilang bahagi ng Bulacan

PANDI, Bulacan (Eagle News) – Magkakaroon ng pagkaantala sa serbisyo ng kuryente ng MERALCO sa Pandi, Bulacan ngayong araw (Huwebes, September 29, 2016) mula 11:00 ng gabi 5:00 ng umaga (Biyernes, September 30, 2016). Ang mga bahaging maapektuhan ng power interruption ay ang mga sumusunod; Balagtas Road, mula Kalye Andres St. hanggang Grace at Roel Store. Brgy. Dalig, Balagtas Brgy. Santol, Balagtas Brgy. Bunsuran, Pandi. Ang sanhi nito ay ang re-conductoring sa mga linya ng Meralco […]

Lakbay Aral sa paggawa ng Vegie Noodles isinagawa ng mga mag-aaral sa Orani, Bataan

ORANI, Bataan (Eagle News) — Nagsagawa ng Lakbay Aral ang mga mag aaral ng Child Alikabok  Learning Center, Orani, Bataan  kasama ang kani-kanilang mga magulang sa pagawaan ng Vegie Noodles sa Barangay Tuyo, Balanga, Bataan. Pinangunahan ito ni Mr Leonardo David, Presidente ng Balanga Agrarian Reform Beneficiaries (BARB). Ipinakita ang proseso ng paggawa ng kalabasa noodles. Mayroon din silang malunggay noodles na bukod sa masarap na ay healthy pang kainin dahil walang halong preservatives. Ang nasabing produkto […]

Classes in all levels suspended in Meycauayan City

MEYCAUAYAN, Bulacan (Eagle News) – Mayor Atty. Henry Villarica declares suspension of classes in all levels in both private and public schools in Meycauayan City today, September 29, 2016 (Thursday) due to remaining flood in low lying areas and schools utilized as evacuation centers.

Urdaneta City, Pangasinan, nakiisa sa 3rd nationwide simultaneous quake drill

URDANETA CITY, Pangasinan (Eagle News) – Matagumpay na naisagawa ang ‘Pagyanig 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill’ na ginanap sa oval ng National High School, Urdaneta City, Pangasinan. Pinangunahan ito ng Regional Director, Office of Civil Defense Region 1 Chairperson, Regional Disaster Risk Reduction & Management Council 1 Melchito M. Castro. Ang mga evaluators naman ay ang mga sumusunod; Philippine National Police Philippine National Red Cross Commission on Higher Education Navy Army Department of Interior and Local […]

Earthquake drill isinagawa sa Mt. Province

Bontoc, Mt. Province (Eagle News)- Naki-isa sa Nationwide Earthquake Drill ang mga mamamayan ng Mountain Province partikular dito sa bayan ng Bontoc na siyang sentro ng lalawigan. Eksaktong alas 9:00 ng umaga nang may tumunog na sirena bilang hudyat na may magaganap kunwari na pagyanig. Nagsagawa ng drop, cover, and hold procedures ang mga nakilahok sa pagsasanay. Pagkatapos ng 45 segundo ay maingat at dali-daling lumabas sa gusali at exit doors ang mga “participants” patungong […]

Free Medical Check -Up at Healthy Lifestyles Seminar isinagawa sa Bataan

BALANGA CITY, Bataan (Eagle News) – Nagsagawa ng libreng medical check-up at seminars tungkol sa “Healthy Lifestyles” ang City Government ng Balanga at ng City Health Office sa mga lokal ng empleyado ng lungsod. Isinagawa ito sa Plaza Mayor ng Balanga City. Ito ay may kaugnayan sa isinasagawang aktibidad ng City Administration na “Barangay Learning Week” sa tulong ng Department of Health (DOH) Bataan. Pupuntahan nila ang 25 Barangay ng Balanga sa loob ng isang taon . Ang […]

INC Outreach Concert isinagawa sa Subic Bay Freeport Zone

Subic, Zambales (Eagle News) — Mahigit sa 700 panauhin na mula sa Olongapo City at karatig bayan ng Zambales ang nakisaya sa isinagawang outreach concert ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo  Subic Bay Freeport Zone at tinawag nila itong “Edification through Voice & Music o EVM-CFO  Choirs Outreach Concert”. Layunin ng ganitong aktibidad na hindi lamang makapagbigay ng saya sa mga kaanib at hindi pa kaanib ng INC kundi upang maipabatid ang Aral ng Diyos sa […]

Lingap sa Mamamayan isinagawa ng Iglesia Ni Cristo sa Agusan del Norte para sa mga kababayang Muslim

BUTUAN CITY, Agusan del Norte (Eagle News) – Lubos na nagpapasalamat ang ating mga kababayang Muslim sa Barangay New Society, Butuan City, Agusan Del Norte sa isinagawang Lingap sa Mamamayan ng Iglesia Ni Cristo sa kanilang lugar. Nasa 600 na pamilya ang nabigyan ng tulong ng INC sa nasabing barangay. Labis naman ang pasasalamat ni Barangay Captain Marco Emam at ng iba pang Barangay Officials dahil sa tulong na ibinigay sa kanila. Masaya rin ang mga residente […]