Vice Mayor Paolo Duterte, nagsalita na tungkol sa adik na Senador at kay Matobato

DAVAO CITY (Eagle News) – Ipinahayag ni Vice Mayor Paolo Duterte na luluwas siya ng Maynila upang kunin ang lahat ng ebidensiya laban sa isang Senador na gumagamit at naging addict na umano sa cocaine.

Ayon sa Vice Mayor, isang pinagkakatiwalaang kaibigan ang nagbigay sa kaniya ng lahat ng impormasyon ukol sa nasabing senador. Ngunit hindi naman niya binanggit ang pangalan nito. Aniya, darating din ang panahon na magkakaharap din silang dalawa. Sinabi rin niya, kailanman ay hindi siya nag-utos na pumatay ng tao na gaya ng paratang ni Edgar Matobato.

Si Matobato ay umaming isang hit-man at miyembro di-umano ng Davao Death Squad (DDS). Sinasabi rin nito na si Vice Mayor Paolo ang responsable sa pagkamatay ni Richard King.

Ayon naman kay Vice Mayor Duterte, hindi niya kilala si Matobato at ganon din si Richard King na binaril at napatay umano sa opisina nito sa Davao City noong Hunyo 12, 2014. Hindi rin aniya siya interesadong makipagharap kay Matobato sa Senado kung sakaling ipatawag siya.

Saylan Wens at Haydee Jipolan – EBC Correspondent, Davao City