Matobato maaring hulihin kahit saan – Davao City Police Office

WARRANT OF ARREST NI EDGAR MATOBATO Photo Courtesy: Armando Fenequito
EDGAR MATOBATO’S WARRANT OF ARREST Photo Courtesy: Armando Fenequito

DAVAO CITY (Eagle News) – Handa ng hulihin ng Davao City Police Office (DCPO) ang nagpakilalang miyembro ng Davao Death Squad (DDS) na si Edgar Matobato. Inilabas na ng korte ang warrant of arrest laban kay Matobato na may kinalaman sa illegal possession of firearms and ammunition na isinampa sa kaniya noong taong 2014.

Ayon kay DCPO Police Senior Inspector Catherine Dela Rey, handa na umano silang ihain ang warrant of arrest kay Matobato kahit saan man ito naroroon sa kasalukuyan. Bago pa aniya nila iimplementa ang nasabing warrant, aalamin muna nila ang estado ni Matobato kung nasa ilalim pa rin ba ito sa protective custody o kung meron ba itong immunity mula sa senado.

Matatandaan na nag-ugat ang paglabas ng warrant of arrest ng Municipal Trial Court in Cities (MTCC) Branch 3 laban kay Matobato matapos nitong hindi sumipot sa itinakdang arraignment ng korte noong Martes ng umaga, October 3, 2016 sa Davao.

Haydee Jipolan – EBC Correspondent, Davao City