Provincial News

Dengue outbreak, idineklara sa Biri, Northern Samar

BIRI, Northern Samar (Eagle News) — Nagdeklara ng dengue outbreak ang Department of Health (DOH) sa bayan naman ng Biri, Northern Samar. Ito’y matapos tumaas ang bilang ng naitalang kaso ng dengue sa nasabing lugar. Ayon sa Samar-DOH, may isang barangay pa kung saan limang kaso ng dengue ang naitala. Sa huling datos naman ng ahensya, nasa 4,482 cases na ang naitala sa buong rehiyon ng eastern Visayas. https://youtu.be/lTJRgbIwKHM

Ocular inspection sa Quarry ng Brgy. Mabini, Ormoc City, Leyte isinagawa

ORMOC CITY, Leyte (Eagle News) – Pinangunahan noong Martes ng umaga, October 4, 2016 ni DENR Regional Director Leonardo Sibbaluca at ni Mines Geosciences Bureau Regional Director Raul Laput ang inspection sa isang quarry sa Barangay Mabini. Ang nasabing lugar ay napagitnaan ng dalawang Bayan. Ang bahaging kaliwa ay sakop ng Ormoc City at ang kanang bahagi naman ay sakop ng Albuera, Leyte. Sa bahagi ng Ormoc City ay pinangunahan ni Mayor Richard I. Gomez kasama ang mga opisyales […]

Pamamahagi ng libreng bigas at medical mission isinagawa sa 6 na Barangay sa Western Samar

TARANGNAN, Western Samar (Eagle News) – Matagumpay na naisinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ang medical mission at pamamahagi ng libreng bigas sa anim na Barangay ng Bayan ng Tarangnan, Western Samar. Nakinabang ang mahigit 200 residente sa libreng check up at gamot. Mahigit sa 1,100 naman ang nabigyan ng tig-tatlong kilong bigas na mga residente. Ayon kay Gng. Reahlina Cajefe, incharge ng nasabing aktibidad, ang programang ito ng Pamahalaang Panlalawigan na pinangunahan ni Governor Sharee Ann Tan ay […]

Oplan Tokhang ng PNP lalo pang pinaigting sa Tagbina, Surigao del Sur

TAGBINA, Surigao del Sur (Eagle News) – Pagkatapos na maisagawa ang sunod-sunod na Drug Awareness Symposium ng Tagbina Philippine National Police (PNP), muli nilang binalikan ang mahigit 629 kabahayan sa isinagawa nilang Oplan Tokhang dito sa Tagbina, Surigao del Sur. Muling kinausap at pinayuhan ang mga personalidad na kabilang sa drug watch list ng buong Munisipalidad ng Tagbina. Ipinaabot sa kanila na dapat gawing totohanan ang pagbabagong-buhay at tuluyan nang iwan ang iligal na droga. Sa […]

Malaking kabute tumubo sa isang bahay sa Negros Occidental

E.B. MAGALONA, Negros Occidental (Eagle News) – Ilang malalaking mushroom o kabute na natagpuan sa isang dito sa isang bahay sa Bgy, Magalona, ang ngayon at pinagkakaguluhan sa baying ito. Ang malalaking kabute at natagpuan sa tahanan ni Ma.Fe Pachejo sa Boulevard Street, Brgy. 2 E.B. Magalona, Negros Occidental na siyang pinagkakaguluhan ngayon ng kanyang mga kapitbahay. Ayon sa kanila, ang nasabing kabute ay basta na lamang tumubo rito.  Sa simula ay hindi nila ito pansin, ngunit nagulat na lamng sila nang bigla itong lumaki. […]

Arrest warrant inilabas na para kay Matobato

DAVAO CITY (Eagle News) – Nagpalabas na ng Warrant of Arrest si Judge Silverio Mandalupe sa Davao City laban kay self-confessed member ng Davao Death Squad (DDS) na si Edgar Matobato. Hindi rin sumipot si Matobato sa itinakdang arraignment nitong Martes, October 4, 2016 sa Municipal Trial Court in Cities (MTCC) – Branch 3, sa sala ni Judge Silverio Mandalupe sa kasong Illegal Possession of Firearms and Ammunition. Hindi rin sumipot ang abogado nitong si Atty. Gregorio Andolana. Matatandaan […]

Ground Breaking Ceremony para sa itatayong Septage Treatment Facility, isinagawa

ORMOC CITY, Leyte (Eagke News) – Opisyal ng sinimulan ang pagtatayo ng isang Septage Treatment Facility sa pamamagitan ng groundbreaking nito kamakailan sa Green Valley, Ormoc City, Leyte na kung saan itatayo ang nasabing pasilidad. Ang proyektong ito ay bilang tugon sa nakakabahalang pagdami ng e-coli contamination sa tubig ng lungsod. Pagtugon din ito sa batas na tinatawag na Philippine Clean Water Act na may mandato na ang mga lokal na pamahalaan ay dapat magtatag ng […]

Drug Awareness Symposium inilunsad ng PNP Tagbina

TAGBINA, Surigao del Sur (Eagle News) – Sa matinding kagustuhan ng Philippine National Police-Tagbina na maging Drug Free ang kanilang bayan, magkasunod na inilunsad ng PNP Tagbina ang isang Drug Awareness Symposium sa iba’t ibang barangay at eskwelahan ng Tagbina, Surigao del sur. Unang pinuntahan ay ang Barangay ng Poblacion na kung saan isinabay nila sa Family Development Session ng mga benipisyo ng 4P’s (Pantawid Pamilyang Pilipino Program) ng DSWD. Ang mga magulang ang una nilang […]

Mahigit 300 katao lumahok sa Fun Run ng DTI sa Ipil, Zamboanga Sibugay

IPIL, Zamboanga Sibugay (Eagle News) – Nasa mahigit 300 katao ang lumahok sa isinagawang Fun Run ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Bayan ng Ipil, Zamboanga Sibugay. Ayon kay Engr. Al-Zamir Lipae, Provincial Director ng DTI-Sibugay, ang 8 Kilometer Fun Run ay sabay-sabay na isinagawa sa iba’t ibang bahagi ng Zamboangaa Peninsula Region. Dagdag pa, ito ang kauna-unahang Consumer Run sa rehiyon na may temang “Consumer Protection: A Shared Responsibility”. Karamihan sa mga sumali […]

Tatlong hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group huli sa Zamboanga City

ZAMBOANGA CITY (Eagle News) – Tatlong pinaniwalaang tauhan ni Abu Sayyaf sub-lider Alhabshi Misaya ang nadakip sa isang Pension House, bandang 2:00 ng hapon nitong Lunes, October 3 sa Zamboanga City. Tatlong iba pa ang nakatakas subalit ang mga dalang granada, baril, at kasangkapang pampasabog ay nakumpiska. Agad namang dinala sa Zamboanga Central Police Office ang tatlong naaresto para isailalim sa masusing imbestigasyon. Ang mga kasangkapan pampasabog, granada, at baril ay nakumpiska sa Room 207 […]

Voter’s registration ng Barangay at SK Elections hindi muna tuloy ngayong Oktubre

MANILA (Eagle News) – Inanunsyo na ng Commission on Elections (COMELEC) na hindi muna itutuloy ang pagbubukas ng voter’s registration nitong Lunes, October 3. Ayon kay COMELEC Spokeperson James Jimenez, nagpasya silang huwag munang simulan ang pagpapatala ng mga botante para sa 2017 Barangay at Sanguniang Kabataan Elections (BSKE) dahil hindi pa lubusang naipapasa ang batas na nagpapaliban sa 2016 Barangay at SK Election. Umaasa si Jimenez na makapaglalabas sila ng opisyal na Resolusyon sa […]

Bamboo Planting isinagawa sa Bayan ng Sta. Maria, Pangasinan

STA. MARIA, Pangasinan (Eagle News) – Tinatayang nasa 2,000 kawayan ang naitanim sa may Brgy. Sta. Rosa at Paitan Sta. Maria, Pangasinan sa isinagawang Bamboo Planting Activity na may kaugnayan sa pagdiriwang ng ika-116th Anniversary ng Philippine Service na may temang “Malasakit Para sa Kalikasan”. Nagtulong-tulong ang mga empleyado ng Water District, Local Government Units-Pangasinan, Commission on Audit, at Department of Education. Nakipagtulungan din ang Association of Regional Executives-Region 1, Department of Environment and Natural Resources-Region 1 at Civil […]