Motorista pinag-iingat sa pag daan sa Zigzag Road ng Mariveles, Bataan

MARIVELES, Bataan (Eagle News) – Pinag-iingat ng mga awtoridad ang mga motorista na dumadaan sa Zigzag Road na pangunahing kalsada pagpasok at paglabas ng Bayan ng Mariveles, Dahil sa patuloy na nararanasang pag-ulan sa lalawigan lalo na sa Mariveles nagdudulot ito ng pagdulas sa nasabing kalsada na kalimitang naging sanhi ng aksidente.

Mapapansin din ang maraming butas ng kalsada dahil kasalukuyan itong ginagawa na nagdudulot din ng abala sa mga motorista. Kaya patuloy na pinapayuhan ang publiko lalo na ang mga motorista na doblehin ang pag-iingat para makaiwas sa abala at para na rin sa kanilang kaligtasan.

Larry Biscocho – EBC Correspondent, Bataan